TAG-ULAN na. Ayon sa PAGASA, inaasahan na magiging “above normal” ang mga pag-ulan at bagyo ngayong taon, dala ng nagbabadyang La Niña.
Bukod sa mga paalala ng otoridad na magdala ng mga pananggalang sa ulan at mag-ingat tuwing may baha, nanawagan naman ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) isang non-profit and volunteer-led animal protection group, na alalahanin din ang ating mga hayop na walang tahanang masisilungan.
Photo Courtesy: Philippine Animal Welfare Society (PAWS) | Facebook
Bukod sa takot sa bawat kulog at kidlat, nangangamba rin ang mga stray animal kung saan sisilong upang hindi mabasa ng ulan.
Kapag umuulan ng matagal at nababad sila sa baha, maaari rin silang magkasakit dahil sa mikrobyo at malamig na panahon.
Kadalasan nga, sumisilong kahit saan ang fur babies tulad sa mga puno, ilalim ng bubong, at madalas, sa ilalim ng mga sasakyan at singit-singit ng mga gulong dahil sa init na ibinibigay nito sa kanilang katawan.
Kaya naman, panawagan ng ang PAWS sa publiko, ugaliing silipin muna ang ilalim ng kanilang mga sasakyan bago sumakay at patakbuhin ito.
“PLEASE CHECK YOUR CARS BEFORE DRIVING OFF!” sabi ng PAWS, sa mga car owners.
“Like this tiny kitten, many strays seek refuge under our cars, on top of tires, or even on top of engines under the hood during the rainy season.”
“Such is the plight of strays— if they’re not looking for shade from the heat of the sun, they need to seek shelter from the cold rain. All they want is to just survive.”
Ipinaalala rin ng PAWS sa publiko na hindi naman kakain ng malaking oras sa araw-araw ang pag-check ng kani-kanilang mga sasakyan.
“As the rainy season ushers in, let’s spare a thought for animals. It only takes a quick 5-minute check before riding your parked car. Don’t forget to remind your friends and family to do the same! Your considerate inspection could save a life!”.
Nagbahagi naman ang ilang netizens ng kanilang experience sa comments section, at binigyang diin ang naging paalala ng PAWS. Hiling nga ng mga ito na bigyang halaga at alagaan pa rin ang bawat stray animal.
Photo Courtesy: Philippine Animal Welfare Society (PAWS) | Facebook
“Yes, we check under the vehicle and we also check iyong sa engine part kasi may taguan silang doon as well as bumubusina kami bago umalis para sure lang na walang cats,” sabi ng isang netizen.
Bukod sa ilalim ng sasakyan at singit-singit ng mga gulong ng sasakyan, ang mga ito ay pumapasok din minsan sa hood ng sasakyan mula sa ilalim. Gaya na nga lang ng experience ng isa pang netizen.
“One time bigla ko naisip na buksan yung hood bago ko istart yung car, then gulat ko may kuting sa loob, nagulat talaga ako, tapos natakot ata nagsumiksik sa loob,” sabi nito.
“Buti may mag-asawa na nakakita tinulungan ako hanapin yung kuting, mejo matagal na nahanap din yun. Simula nun kumakatok muna talaga ako sa hood bago ko iistart.”
Nararapat lamang na maging concerned sa bawat animals sa loob ng ating komunidad. Alaga man natin o hindi. Sila rin ay nangangailangan ng pag-aruga at pagkalinga.
Hindi rin naman masama kung magbigay din tayo ng tubig at pagkain para sa kanila.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?