ANG aso, karaniwan na ang pagkuha ng mga gamit. Isa itong katangiang kadalasang nauunawaan ng may-ari bilang isang uri ng problema o paminsan naman ay katatawanan, sapagkat mabilis naman maturuan ang aso.
Isang paglalarawan sa aso ay “master thief” na may abilidad na kunin ang mga gamit ng may-ari nang hindi napapansin. Ang mga hakbang na tahimik habang kinukuha ang tsinelas ng may-ari mula sa ilalim ng kama.
Photo Courtesy: Nick Hendrickson Labajo | Facebook
Ngunit, paano kung sa ibang tao kumuha ang aso mo? Lalo na kung sa isang tindahan na nagtitinda ng paborito nilang “chimken” ay nangulimbat ito ng isang buong manok at inuwi sayo.
Ito nga ang hindi malamang pakiramdam ni Nick Hendrickson Labajo matapos mag-uwi ng isang buong litson manok ang kanyang fur baby na mainit-init pa’t mukhang bagong luto lamang.
Ang mga aso lalo na kung mahal at tiwala sa ao ay may ugaling magdala sa yo ng anumang nakukuha nila.
Mission impossible
Trending sa Facebook ang naging post ni Labajo dahil na nga lang sa katatawanang dala ng ginawa ng kanyang alaga. Sino ba namang aso ang tatanggi sa pagkakataon na makakuha ng “chimken”?
Screenshot from: Nick Hendrickson Labajo | Facebook
Subalit, ang nakakatawang bahagi ng istoryang ito ay hindi nga kinain ng kanyang alaga ang nakulimbat na manok, at makikitang wala nga itong bawas kahit kaunti.
“Lord maawa idk what to feel HAHAHA,” sabi ni Labajo. “Kang kinsa man gani ning sud-an unta na iyang gibitbit, do tell lang so i’ll buy you another one.”
“Ps. Idk how she could’ve possibly got this or if it was purposely given from someone (hopefully, cause it was quite hot pa when she brought it sa house huhu),” dagdag nito.
Ibinahagi rin ni Labajo na noong araw na iyon ay litong lito sila sa kung ano ang kakainin nila. Kaya naman laking gulat nila nang aso na nila ang namili ng uulamin nila, isang buong mainit-init na litson manok.
Netizens: Good job fur baby!
Hindi naman mapigilan ng mga netizens na matawa sa ibinahaging istorya ng netizen na ito. Para nga sakanila, good job daw ang fur baby na ito na nagsilbing provider ng pamilya nila.
“Baka di mo alam pinag ipunan nya talaga yan at bumili,” sabi ng isang netizen sa comment section.
Habang ang mga netizens ay natatawa, mayroon ding mga nagkomento na nagpapaalala kay Labajo na maging maingat at huwag hayaan ang kanyang alaga na lumabas mag-isa.
Screenshot from: Nick Hendrickson Labajo | Facebook
“It may look funny now. Pero baka next time di na mka uwi ng buhay si doggy mo. Let’s be responsible enough and not let our dogs harm others, especially not to steal food from others. That’s the sad reality,” paalala ng isang netizen.
Ang ilang mga rason kung bakit nagkakaganito ang mga aso ay maaaring dahil sa instinkto nila na mag-ipon ng mga bagay para sa kanilang teritoryo o bilang paglilibang lamang.
Hindi rin makakasama para sa mga owners kunin ang naging payo ng isang netizen na maging mas maingat, lalo na’t talamak ang animal cruelty sa bawat sulok ng mundo sa panahon ngayon.
Gayunpaman, nakakatawa parin isipin kung paano at saan nito nakuha ang manok, at ano ang intensyon nito. Sa ngayon, si fur baby lamang ang makakasagot sa tanong ng madla!
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?