fbpx

Aplikasyon para sa Miss Grand PH 2024 bukas na

by Joanna Deala

SIMULA na nang paghahanap sa susunod na Miss Grand Philippines!

Nitong Huwebes, July 11, inanunsyo ng Miss Grand Philippines na bukas na ang aplikasyon para sa 2024 edition ng pageant.

“Get ready to shine and make your mark this August!” pahayag nito sa isang Facebook post. “Show the Philippines what you’ve got to become the first Filipina to bring home the golden crown.”

Hindi na nakalista kung ano ang mga qualification para sa mga gustong sumali sa beauty contest, pero sa application form na kalakip ng announcement, kabilang sa mga hinihinging detalye ay ang kanilang personal information, family background, partisipasyon sa ibang beauty pageants, education background, at body measurements.

Hinihingi rin ang kanilang employment background, kung saan isa sa mga tanong ay kung may appearances na ba sila sa mga pelikula, television shows, o pictorials para sa magazine.

Dagdag pa sa requirements ang pagsusumite ng kopya ng Philippine passport, high school or college diploma, medical certificate (medical at psychological), certificate of good moral mula sa eskwelahan o simbahan o barangay certificate, headshot photo, full body photo, at swimsuit photo.

Ipadadala ang mga ito sa [email protected] sa e-mail. Wala pa namang inaanunsyong petsa para sa deadline ng aplikasyon.

Ang 20-year-old beauty queen na si Nikki de Moura ang kasalukuyang may hawak ng Miss Grand Philippines crown. Maagang namaalam ang Philippine bet sa Miss Grand International 2023 pageant sa Ho Chi Minh City, Vietnam matapos niyang hindi makapasok sa Top 20.

About Miss Grand PH

Taong 2013 inilunsad ang Miss Grand International pageant, kung saan kinoronahan si Janelee Chaparro ng Puerto Rico bilang kauna-unahang Miss Grand International.

Noong 2022, hindi na ni-renew ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang prankisa sa Miss Grand International. Si Roberta Tamondong ang huling kandidatang ipinadala ng BPCI sa naturang pageant.

Hawak ng BPCI ang tatlong beauty competitions: Miss International, Miss Intercontinental, and Miss Globe.

Naipasa na sa ALV Pageant Circle, na may hawak din sa Miss World Philippines, ang Miss Grand International franchise noong November 2022.

Wala pang naiuuwing Miss Grand International crown ang Pilipinas. Ang pinakamataas na placing ng bansa sa kompetisyon ay first runner-up na nasungkit nina Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo noong 2021.

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.