fbpx

Abi Marquez, bumawi kay Benny Blanco

by Bryan Gadingan

ONE for the Filipinos! Iyan nga ang sigaw ng mga netizen, matapos ibawi ni Abi Marquez, o mas kilala bilang “Lumpia Queen,” ang mga Pinoy sa kilalang American songwriter at record producer na si Benny Blanco. 

Usap-usapan ngayon ang nakatatawang video na ipinost ni Lumpia Queen sa kanyang TikTok account, matapos niyang kainin ang kilalang Filipino style spaghetti mula sa Filipino fast food chain Jollibee sa harap ni Benny. 

@abigailfmarquez Eating jollibee infront of Benny Blanco 😂 Paid 35$ to meet him and say I’m from the land of jollibee 😌🙌 #food #foodlovers #foodlover #foodieph #foodie #filipino # #cooking #delicious #yummy #instafood #foodvlogger #foodblog #mukbang #eating #foodieph #foodblogger #instagood #foodtrip #abimarquez #lumpiaqueen ♬ original sound – Abi Marquez

“Eating Jollibee in front of @itsbennyblanco. Paid 35S to meet him and say I’m from the land of Jollibee,” sabi ni Abi sa caption ng kanyang post.

Bukod pa rito, maririnig sa video ang audio na “Philippines, this is for you!” bago nito simulang kainin ang spaghetti mula sa Jollibee. 

Maaalalang gumawa ng video si Benny habang sinusubukan ang iba’t ibang pagkain mula sa kilalang fast food chain, at hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang kanyang komento.

Sabi nga niya, “Not a lot of you know but my stepmom is from the Philippines so I grew up eating a sh** load of Filipino food.” Bukod sa naging komento niya, kita rin sa video na idinura niya ang pagkain.

@itsbennyblanco

my first time trying jollibee

♬ Little Things – Adrian Berenguer

Hindi rin nito pinalampas ang sikat na Adobo rice sa ibang bansa, at sinabing “dry-ass” nga raw ang kanin. Pati na rin ang pinakasikat na manok at sinabing “soggy as f***.”

Matapos umani ng mg komento, pangit man at hindi natutuwa sa kanya, gumawa muli si Benny ng video kinabukasan at sinubukan ang ibang Filipino foods na pancit, lumpia, longganisa at Jollibee chicken sandwich.

“All right, these are all the highest-rated Filipino places in LA (Los Angeles). Apparently, all the Jollibees in LA are not as good in the Philippines or New York. But my friend told me to get the best one, the Jollibee chicken sandwich,” sabi niya. 

Kaya naman, iba na lang ang tuwa ng mga Pilipino matapos i-upload ni Abi ang kanyang video. Sabi pa nga ng mga netizen, makakatulog na raw sila nang mahimbing, dahil naibawi na ang mahal nilang Jollibee.

Pati ang mga sikat na personalidad sa bansa tulad nina Niana Guerrero at Inka Magnaye, nagkomento sa kanyang TikTok video. Habang ang isang netizen naman ay ginamit ang kanyang sikat na linya, “What happens if we put Benny Blanco in lumpia wrapper.” 

“Petty” man nga raw ang ginawa ni Abi, natuwa naman ang marami, dahil inalipusta raw ni Benny ang paborito nilang pagkain. Hindi rin naman daw intensiyon ng video na painitin muli ang usapin, kundi katuwaan lang para sa mga Pilipino. 

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.