fbpx
Search
Close this search box.

Friday the 13th: Ano ang dapat mong iwasan?

by Athena Yap

THANK God It’s Friday pa rin ba kahit natapat ito sa petsa na 13?

Gaya ng mga paniniwalang di umano’y malas kapag may dumaan na pusang itim, may nabasag na baso, pinggan o vase, pinaniniwalaan ding tila may sumpa ang araw ng Biyernes kapag natatapat sa 13 na petsa ng kahit anong buwan.

Hanggang ngayon, hindi malaman kung saan ang pinanggalingan ng kasabihang malas umano ang “Friday the 13th.” Ngunit ayon sa Kids National Geographic, ito ay malamang nagmula sa religious o kwento galing sa bibliya. Gaya ng kuwento sa bibliya na si Hudas na tinuturong nag-traydor kay Hesus ay ang ika-13 na panauhin sa “The Last Supper.

Anu-ano nga ba ang pamahiin ng mga nakatatanda tungkol sa Friday the 13th?

Bawal magka-sugat

Ayon sa kasabihan ng matatanda, dapat ingatan o iwasang magka sugat kapag Friday the 13th. Dahil sa may dalang bad luck nga raw ang nasabing araw, maaring matagal bago maghilom ang sugat na nakuha sa araw na iyon.

Maglakad sa ilalim ng hagdan

Pinayuhan ng mga nakatatanda ang mga bata na huwag maglakad sa ilalim ng hagdan dahil maari umanong ma-aksidente o mabagsakan mismo ng hagdan ang sino-mang dumaan sa  ilalim nito sa Friday the 13th.

Maglakad sa madilim na lugar

Lubos na ipinagbabawal tuwing Friday the 13th na maglakad sa madilim na lugar ang kahit sino-man, lalo na kung mag-isang tao lamang. Ito’y dahil malapit din daw sa disgrasya kapag nasa dilim at maaaring lapitan ng masasamang espirito.

Matingnan ng kuwago

Ang sabi ng matatanda, kapag tiningnan ka ng kuwago sa araw mismo ng Biyernes na may 13, maaaring may kasunod umanong masamang balita na matatanggap.

Mag-gupit ng buhok o kuko

Isa sa pinaka-nakakatakot na pamahiin ang matinding pagbabawal na magpagupit ng buhok o kuko dahil maaari umanong may mamatay sa miyembro ng pamilya kapag ginawa ito.

Magpalit ng bedsheet 

Pinaniniwalaang hindi dapat nagpapalit ng bedsheet tuwing Friday the 13th dahil maaring kapalit ng bagong mabango at malinis na bedsheet ay masamang panaginip naman.

SUPPORT REPUBLICASIA
TikTok star Mathilda Airlines, the new queer voice for the people