NAALALA niyo pa ba ang mga panahon kung saan nagkakaroon ng mga aktibidad sa inyong mga eskwelahan tuwing buwan ng wika? Yung mga panahon kung saan may sumasali kayo sa mga laro o patimpalak na inorganisa ng inyong eskwelahan?
Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang ‘Buwan ng Wika,’ kung saan binibigyang halaga ang sariling wika.
Habang marami sa atin ang may alam kung bakit importante ang ating lenguahe, naisip niyo ba kung bakit kailangan natin itong ipadiwang tuwing Agosto? Kung di man, bakit nga ba sa buwan ng Agosto nakatapat ang Buwan ng Wika?
Kasaysayan ng Buwan ng Wika
Unang naging opisyal ang Pambansang Wika sa Pilipinas noong 1935 sa panguguna ni Pangulong Manuel L. Quezon. Noong 1946, pinagtibay naman Tagalog bilang pambansang wika.
Ito ay opisyal na itinatag bilang lenguahe ng Pilipino noong 1959.
Bago ang Buwan ng Wika, naunang ginawa ng ‘Linggo ng Wika,’ kung saan sa mahabang panahon–ito ay pinagdiriwang ng mga Pilipino mula August 13 hanggang August 19.
Ang desisyon na ito ay pinangunahan ni Ramon Magsaysay noong 1995 under Proclamation 186–kung saan nilipat niya ang schedule ng selebrasyon mula March to April na orihinal na sinet ni Sergio Osmeña noong 1946 at 1954.
Noong 1988, pinirmahan ni Corazon Aquino ang Proclamation 19 kung saan na-ratify ang celeration ng Linggo ng wika tuwing August 13 hanggang August 19. Ang isang linggong selebrasyon ay inobserve ng mga Pilipino hanggang 1997.
Mula sa pirmanong proclamation 1041 ni Fidel Ramos noong 1997, mula sa isang linggo ng selebrasyon ng “Linggo ng Wika,” ito ay nagtransform sa “Buwan ng Wika,” kung saan imbis na isang linggo, ang selebrasyon nito ay tumatagal na ng isang buwan.
Buwan ng Wika, bakit kailangan icelebrate?
Marami sa atin ang nag-iisip na ang Buwan ng Wika ay limitado lang sa celebration ng ating lenggwahe pero ang pagalala nito ay meron pang malawak na dahilan maliban sa wika–pinagdiriwang din natin ang ating kultura, history at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Pinapaala nito na ang wika ay hindi lamang ginagamit para sa komunikasyon ngunit pati na din sa ating kultura.
Ang Buwan ng Wika ay nagtutulak din ng awareness tungkol sa paggamit at preservation ng Wikang Filipino.