fbpx
Search
Close this search box.

Daniel Padilla, bumati sa kaarawan ni Kathryn Bernardo

by Joanna Deala

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagbati ni Daniel Padilla sa kaarawan ng dating kasintahan na si Kathryn Bernardo na idinaan sa Japanese characters.

Higit tatlong buwan na ang nakalipas nang kumpirmahin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o kilala rin bilang KathNiel, na hiwalay na sila matapos ang isang dekada nilang pagsasama bilang magkasintahan.

Sa Instagram story ng 28-year-old actor, nag-post si Padilla ng typography art ng selfie ng aktres, na ngayo’y nagdiriwang ng kanyang 28th birthday, na may “Happy Birthday” message pero nakasulat sa Japanese characters.

Kapansin-pansin din ang sunflower emoji sa lower left side ng  kanyang Instagram story, na mas nagbigay pahiwatig na para kay Kathryn ang naturang post.

Wala pa namang reply ang aktres sa post ng kanyang ex-boyfriend.

Nitong Pebrero nag-renew ng kontrata si Padilla sa ABS-CBN. Sa kanyang contract signing event, pinasalamatan muli ni Padilla si Bernardo para sa kanilang 11-year journey.

“Hinding-hindi mawawala sa puso ko ang magaganda nating memories, at ang ating mga adventures at journeys na pinagsamahan,” pahayag ng aktor.

Noong buwan ding iyon nag-renew ng kontrata si Bernardo sa Kapamilya network, kung saan naging emosyonal ang aktres nang balikan niya ang kanyang promise noong 2020 na hindi niya iiwan ang kanyang home network.

Hindi naman nababanggit ng aktres sa publiko ang kanyang dating nobyo mula nang kumpirmahin nila ang kanilang hiwalayan.

Pero noong nakaraang Disyembre, sinorpresa ng dating magkasintahan ang kanilang fans nang mag-perform silang magkasama sa stage sa ABS-CBN Christmas Special. Kinanta nila ang “I’ll Be There For You” ng The Rembrandts, theme song ng American television sitcom na “Friends.”

Kapwa rin nanalo ng Fabulous Award ang dalawa sa Asia Artist Awards (AAA) 2023, pero magkahiwalay nilang tinanggap ang kanilang trophies sa stage.

First Pinay ambassador

Bukod sa kanyang birthday, trending si Bernardo sa social media nang ianunsyong siya ang kauna-unahang Pilipinang ambassador ng French luxury perfumes and cosmetics brand na Lancome.

Sa Instagram, pinost ng aktres ang kanyang stunning at glowy look nang ibida niya ang mga produkto ng naturang brand sa kanyang reel.

“Don’t let anyone tell you that you’re not allowed to redefine who you are. Everyone’s a work in progress. Here’s to you–because you can be your own Idôle,” saad ni Bernardo.

Pinasalamatan din niya ang brand sa pag-welcome at pagpili sa kanya bilang unang Filipina ambassador nito.

Bahagi na si Bernardo sa listahan ng ambassadors ng luxury brand na kinabibilangan din nina “Euphoria” star Zendaya at “Squid Game” actress Hoyeon.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter