fbpx
Search
Close this search box.

Chocolate Hills resort, ginawan ng memes ng netizens 

by Deanna Macaranas

USAP-usapan ngayon ang kontrobersyal na mga Chocolate Hills resort.

May nagalit, may nainis. Habang mayroong iba, na ginawa na lang itong katatawanan sa pamamagitan ng memes.

Dahil sa kakaibang hugis nito, nakilala ang Chocolate Hills bilang isa sa mga famous tourist attraction sa probinsya ng Bohol. Maliban sa kakaibang landscape nito, ang kulay naghills—mula sa kulay berde ay nagiging brown tuwing dry season. 

Walang nakakaalam ng eksaktong bilang ng hills sa lugar ngunit sa tansya marami, umaabot ito mula sa bilang ng 1,268 hanggang 1,776. 

Kamakailan lamang sa isang vlog ang nag-feature sa isang resort na nakatayo sa kalagitnaan ng hills. Mabilis ito naging viral sa internet dahil nasira nito ang kapaligiran ng naturang Chocolate Hills. 

Lumabas din sa balita na ang Captain’s Peak Garden and Resort ay nagooperate kahit walang ECC (Environmental Compliance Certificate) at pagpayag mula sa DENR (Department of Environment and Natural Resource.) 

Maya’t maya binatikos ng mga ilang Netizens sa kani-kanilang social media platforms ang naturang resort na nanaging ‘eyesore’ sa paningin ng ilang mga tourista. 

Isang concerned Netizen sa X (dating twitter) ang nag-tanong kung paano pinayagan magtayo ng isang resort sa gitna ng Chocolate Hills. 

Pinuna naman ng isa ang DENR, habang sinasabi na responsibilidad ng DENR ang pagpapagitil sa operasyon ng resort. 

Pero sa gitna ng mga kontrobersya, talagang eksperto ang mga Pinoy na idaan ito sa katatawanan.

Isang X user ang nagpost ng larawan ng Chocolate Hills at Rizal Park habang kinukupara ang photobombers sa landscapes. 

Isang Netizen naman ang nagtanoong kung anong nakain ng nagpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills. 

Habang usap-usapin ang kontrobersyal na sa Chocolate Hills, nagsilantaran din ang iba pang resorts na nakatayo sa geopark. 

Samantala, isang X user ang nag-share ng isang photoshopped thumbnail ng isang sikat na Youtuber na may caption na “We demolished Chocolate Hills Resort!” 

Isang X user ang nag-edit naman ng video ng isang Filipino youtuber na kunwaring nagrereact sa Chocolate Hills resort. 

Habang may X user naman ang nag-share ng meme with the caption, “Me to that resort in Bohol Chocolate Hills.” 

Isang Facebook user naman ang nagshare ng updated 200 pesos, featuring ang resort sa gitna ng Chocolate Hills. 

Courtesy: Facebook.com / @Inside Marikina 

Habang may Facebook user naman ang nag-share ng photoshopped version ng resort kung saan nakatayo ito sa Mayon Volcano. 

Courtesy: facebook.com / @K5  FM 96.9 Sipalay 

Samantala isang kilalang artist sa Facebook ang nagdrawing ng kanyang sariling meme tungkol sa kontrobersyal na resort. 

Courtesy: Facebook.com / @Tarantadong Kalbo 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter