fbpx
Search
Close this search box.

Apat sugatan sa bagyong Aghon

by Joanna Deala

TATLONG menor de edad ang kabilang sa apat na indibidwal na nasaktan sa Bicol region sa pananalasa ng Aghon, ang unang bagyong tumama sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) spokesperson Edgar Posadas pawang mga taga Legazpi, Albay ang mga lalaking biktima na pawang edad 12, 11, at lima ang pinakabata, habang 30 taong gulang ang pinakamatanda. 

Batay sa OCD report, sugatan ang 30 taong gulang na lalaki nang mabagsakan ng puno ang kanyang tricycle.

Nasa 513 pamilya o 2,734 na indibidwal ang apektado ng bagyong Aghon. Sa bilang na ito, 503 pamilya o 2,699 indibidwal ang nanunuluyan ngayob sa evacuation centers.

Kinukumpirma pa ng ahensya ang napaulat na namatay sa Northern Mindanao.

“Sa ngayon po, wala pa pong naiulat sa amin, but we will look into that. We will ask our regional office sa Region 10 to validate,” ayon kay Posadas. 

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), walong beses nag-landfall ang bagyong Aghon sa iba’t ibang lugar sa bansa. Una sa Guiuan, Eastern Samar nitong Biyernes, sumunod sa Giporlos, Eastern Samar; Basiao Island sa Catbalogan, Samar, Cagduyong Island sa Catbologan, Samar; Batuan, Masbate; Masbate City; Torrijos, Marinduque; at Lucena City.

Severe tropical storm

Lumakas pa bilang severe tropical storm ang Aghon, batay sa latest cyclone update ng state weather bureau nitong 5 p.m.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour (km/h) malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 130 km/h. May central pressure itong 992 hectopascals (hPA).

Dahil dito, isinailalim na sa iba’t ibang signal warnings ang ilang mga lugar sa bansa.

Signal no. 3
  • Eastern section ng Quezon (Infanta, Real, Mauban)
  • Pollilo Islands (Panukulan, Burdeos, Patnanungan, at Polillo).
Signal no. 2
  • Aurora 
  • Northern at central portions ng Quezon (Alabat, Perez, Quezon, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Unisan, Pitogo, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Atimonan, General Nakar, Sampaloc, Pagbilao, Calauag, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, San Antonio, Jomalig)
  • Laguna
  • Eastern portion ng Batangas (City of Tanauan, San Jose, Lipa City, Mataasnakahoy, Balete, Malvar, Santo Tomas, Cuenca, San Pascual, Batangas City, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, San Juan, Taysan, Lobo)
  • Eastern at central portions ng Rizal (Jala-Jala, Pililla, Tanay, Cardona, Binangonan, Morong, Baras, Rodriguez, City of Antipolo, Teresa)
  • Northern portion ng Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga)
Signal no. 1
  • Eastern portion ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian, Palanan, Dinapigue)
  • Eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay), the southern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte)
  • Eastern at southern portions ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen, Zaragoza, Aliaga, Talavera, Llanera)
  • Southern portion ng Bataan (Orani, Samal, City of Balanga, Abucay, Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Bagac)
  • Eastern portion ng Pampanga (Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat, Mexico, Santa Rita, Guagua, Sasmuan, Macabebe, Masantol, Santo Tomas, Minalin, City of San Fernando, Bacolor, Lubao)
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Mga natitirang lugar sa Quezon, Rizal, at Batangas
  • Northern at central portions ng Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong)
  • Marinduque
  • Extreme northern portion ng Romblon (Concepcion, Corcuera, Banton), 
  • Mga natitirang lugar sa Camarines Norte at Camarines Sur 

Ayon sa PAGASA, patuloy na gagalaw pahilagang-silangan ng Polillo Islands ang bagyong Aghon.

“The possibility of intensifying into a typhoon while over the sea east of Quezon is not ruled out,” pahayag ng state weather bureau.

Inaasahang lalabas ang bagyong Aghon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules.

Canceled flights

Samantala, kinansela ang ilang byahe ng eroplano, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA). 

As of 2 a.m., ito ang listahan ng mga kanseladong flights ngayong linggo:

CEBGO:

DG 6031/6032: Manila –San Jose – Manila

DG 6113/6114: Manila – Naga – Manila

DG 6117/6118: Manila – Naga – Manila

Cebu Pacific (5J):

5J 821/822: Manila – Virac – Manila

Prioritize safety

Inatasan na rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga lokal na pamahalaan, emergency services, at iba pang mga kaugnay na ahensyang i-monitor ang bagyong Aghon, at kasabay ng kanyang payong mag-ingat ang publiko.

“As Tropical Storm #AghonPH continues to move across our country, I urge everyone in the affected areas to stay vigilant and prioritize your safety,” pahayag ni Marcos.

“The well-being of our people is our utmost priority. I have directed local government units, emergency services, and all relevant agencies to work tirelessly in monitoring the situation and providing necessary assistance,” dagdag niya.

Nagpadala na ng mga pagkain at non-food items, at nakahanda na rin aniya ang health services at evacuation centers para sa mga Pilipinong apektado ng pananalasa ng bagyong Aghon.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter