fbpx
Search
Close this search box.

1Z Entertainment, umapela ng privacy para sa SB19

by Joanna Deala

HUMIHILING ang 1Z Entertainment, kompanyang pagmamay-ari ng P-pop powerhouse na SB19, sa fans ng boy group na respetuhin nila ang privacy ng P-pop idols.

Ss isang pahayag, sinabi ng 1Z Entertainment ngayong Miyerkoles na pinahahalagahan nito ang koneksyon ng SB19 members sa kanilang fans, o kilala bilang A’TIN, at ang pagmamahal at suportang binibigay nila sa kanilang mga idolo. 

Gayunpaman, umaapela sila sa fans na unawain at respetuhin sana ang privacy ng kanilang artists.

“We encourage you, our dedicated fans, to express your admiration in positive and respectful ways,” pahayag ng kompanya.

“This includes refraining from behavior such as stalking, unauthorized photography or recording, or attempting to access private information about our artists,” dagdag nito.

Naglabas ng pahayag ang 1Z Entertainment matapos may ilang A’TIN ang umanong nagka-camping sa labas ng building ng opisina ng SB19 para makita ang kanilang mga idolo. 

May ilang A’TIN na rin ang nagbigay-paalala sa kanilang kapwa A’TIN tungkol dito sa X (dating Twitter).

“A’TIN, a gentle reminder na wag po tayong maging stalkers para lang makita ang mahalima. Please refrain from dropping by their office building in the hopes of getting an interaction. Stalking na po ang tawag diyan,” sabi ng isang fan nitong Martes.

May isang online user naman ang nagsabing dapat tratuhin din ng fans ang SB19 members bilang “private citizens” kung hindi naman sa event o guesting nila nakita ang P-pop idols.

“We can ask for pics or autograph etc, but expect to be denied & don’t hold it against them. They’re doing us a favor by being nice, but they don’t owe us anything. Wag nating abusuhin,” paalala niya.

Samantala, may isang netizen naman ang nagsabing huwag naman daw sanang ipadama ng ibang fans sa kanilang mga idolo na “unsecured” sila.

“Wala naman ticket selling sa office bakit may nagca-camp?” tanong niya.

“Sana respetuhin po natin yung oras at pahinga nila. Wag po nating hintayin na maramdaman nila na yung lugar sana kung sila malayang nakakapagtrabaho ng mapayapa maging unsecured for them,” dagdag niya.

May ibang netizens din ang nagpaalala sa kapwa nila fans na bukod sa SB19, dapat ding galangin ang privacy ng iba pang artists, maging ang kanilang pamilya at staff.

Sold-out concert

Nitong linggo, inanunsyo ng SB19—na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin—na sold-out na ang kanilang two-day “PAGTATAG!” concert dito sa Pilipinas.

Ayon sa boy group, ito raw ang pinakamabilis na two-day concert nila na na-sold out. Gaganapin ang musical event sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City sa May 18 at 19.

Ang two-day concert na ito ang last stop para sa “PAGTATAG!” world tour ng SB19, na nagsimula noong June 2023 na ginanap din sa Araneta Coliseum.

Nagkaroon ng world tour ang P-pop powerhouse bilang suporta sa latest extended play (EP) nilang “PAGTATAG!” 

Pagkatapos i-release ang latest EP, sunod-sunod na ring naglabas ng kani-kanilang singles ng SB19 members. Nitong April 5, inilabas din ni Ken, o kilala rin bilang Felip, ang kanyang bagong kantang “Fake Faces.”

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter