fbpx
Search
Close this search box.

Celebrities spotted sa 2nd wedding nina Angelica Panganiban at Gregg Homan

by Joanna Deala

NAGPALITAN muli ng “I do” ang aktres na si Angelica Panganiban at ang kanyang asawa at businessman na si Gregg Homan sa kanilang ikalawang kasalan.

Ginanap ang kanilang second wedding nitong Sabado, Abril 20, sa Siargao. Nangyari ito ilang buwan matapos ang kanilang unang wedding ceremony sa Los Angeles, California noong December 31, 2023.

Nitong September 2022, ipinanganak ni Panganiban ang kanilang daughter na si Amila.

Beach wedding ang tema ng kanilang second wedding ceremony na naging star-studded nang daluhan ito ng ilan sa mga kasamahan ng 37-year-old actress sa entertainment industry. Narito ang ilang celebrities na spotted sa kasalan:

Anne Curtis

Nag-post ng ilang pictures at videos ang aktres na si Anne Curtis ng ilan sa mga ganap noong beach wedding. Kasama niyang dumalo sa naturang event ang kanyang anak na si Dahlia.

Ibinahagi ni Curtis ang adorable moment sa pagitan ni Dahlia at ni Amila, kung saan makikita ang kanyang anak na hinawakan ang pisngi ni Amila at ibinigay ang kanyang sweet smile. May videos din si Anne na kumakanta sa wedding event ng kanyang “kambal” at isa na rito ang kanyang “Torete” performance na shinare ng photographer na si Pat Dy sa kanyang Instagram story.

Photo courtesy: Screenshot from @patdy11’s Instagram story

Kim Chiu

Photo courtesy: Screenshot from @chinitaprincess’ Instagram story

Present din sa kasalan ang “It’s Showtime” co-host ni Curtis na si Kim Chiu. Sa kanyang Instagram story, nag-post ang “Chinita Princess” ng video ni Panganiban habang naglalakad sa aisle. Ipinaabot niya rin ang kanyang congratulatory message kay Panganiban sa caption.

Photo courtesy: Screenshot from @nelwinuyphoto’s Instagram story

Hindi rin nagpahuli si Chiu sa pag-indak sa event nang sayawin niya, kasama sina Bela Padilla at Glaiza de Castro, ang hit summer song na “Pantropiko” ng P-pop girl group na BINI.

Bela Padilla

Photo courtesy: Screenshot from @bela’s Instagram story

Bukod sa pagsali sa “Pantropiko” dance challenge, nag-repost din si Padilla sa kanyang Instagram stories ng ilan sa mga pictures niya kasama ang ilang artista sa wedding ceremony. 

Isa si Padilla sa mga itinuturing na close friends ni Panganiban. Bago ang second wedding, nag-reunite sina Padilla, Panganiban, at Chiu– o kilala ring “AngBeki”–nitong nakaraang buwan.

Glaiza de Castro

Photo courtesy: Screenshot from @maxenemagalona’s Instagram story

Isa rin sa mga dumalo sa kasal at naging kaibigan ni Panganiban sa showbiz si de Castro, na naging kanyang matron of honor. Sa isang Instagram story na kuha ni Maxene Magalona, makikita sina de Castro at Panganiban na mahigpit na nagyakapan sa beach wedding.

Dumalo rin si de Castro sa bridal shower ni Panganiban na inorganisa ng isang aesthetics and cosmetic dermatology clinic ngayong buwan.

Maxene Magalona

Present din si Magalona na nagbahagi naman ng Instagram reel ng ilang moments sa bachelorette surprise party para kay Panganiban bago ang kanyang second wedding. Ginanap ito sa isang bar sa isla at makikitang naka-beach outfits ang bride at ang guests.

Nag-share din siya sa Instagram stories ng photo at clip ni Panganiban habang naglalakd siya sa aisle.

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Photo courtesy: Screenshot from @ryan_agoncillo’s Instagram story

Nagpahatid naman ng suporta’t pagmamahal ang aktres na si Judy Ann Santos sa isang Instagram post na dedicated para kay Panganiban. Nag-post si Santos ng ilang kuha ni Panganiban sa wedding ceremony at sinabing napakasaya aniya niya para kay “Cindy.” Si Cindy ang karakter na ginampanan ni Panganiban sa 2018 coemdy film nila ni Santos na “Ang Dalawang Mrs. Reyes.”

“Andito lang ang pamilya Agoncillo palagi para sa pamilya Homan.. mahal na mahal namin kayo,” pahayag ni Santos.

Nag-post din si Agoncillo sa kanyang Instagram page ng litrato ni Panganiban na tinawag niyang “The lovely Mrs. Homan.”

Kean Cipriano

Masaya rin ang singer-songwriter na si Kean Cipriano para sa bagong kasal. Nag-post siya sa Instagram story ng video nina Panganiban at Homan habang ibahagi nila ang kanilang first kiss isa’t isa bilang newly wed couple.

“Mahal ko kayo mga tol [Panganiban] [Homan]! Cheers sa tunay na pag-big,” saad ni Cipriano.

Photo courtesy: Screenshot from @kean’s Instagram story

Tumugtog din ng drums si Cipriano sa event.

Photo courtesy: Screenshot from @nelwinuyphoto’s Instagram story

John Prats at Isabel Oli

Photo courtesy: Screenshot from @isabeloliprats’ Instagram story

Gumanap namang ring bearer sa kasal ang longtime friend ni Panganiban at direktor na si John Prats. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Prats na isang karangalang maging ring bearer ng dalawa sa kanilang second wedding.

“Sobrang saya din ng mga puso namin na makita ang mga ngiti nyo! Mabuhay ang bagong kasal!” pahayag niya.

Nag-reunite din sina Prats at Panganiban nitong Pebrero sa tulong ng kanyang asawang si Isabel Oli. Kasama ni Prats ang kanyang maybahay sa wedding ceremony.

Liz Uy

Hindi rin mawawala sa star-studded event ang celebrity stylist na si Liz Uy. Proud na ibinida ni Uy sa kanyang Instagram story ang suot na wedding gown ni Panganiban at tinawag niyang “a literal angel” ang bride.

Photo courtesy: Screenshot from @lizzzuy’ Instagram story

Dalawang klaseng Rosa Rosa Clará gowns ang suot ni Panganiban sa kanyang Siargao wedding: isa para sa welcome dinner at isa para sa mismong wedding ceremony. Nakipag-collaborate ang bridal house sa Stylized Studio ni Uy na siya namang nag-style sa bride.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter