fbpx
Search
Close this search box.

Panukalang P100 umento sa minimum wage, lusot na sa Senado

by Carl Santos

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng karagdagang P100 sa arawang sahod ng minimum wage earners sa buong bansa.

Dalawampung senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 2534 sa plenary session nitong Lunes. Walang senador ang nagpahayag ng pagtutol.

Sa ilalim ng SB 2534, lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor, nasa agricultural man o non-agricultural na sektor, ay saklaw sa P100 na arawang dagdag-sahod.

Nauna nang sinabi ng Employers Confederation of the Philippines na masama ang magiging epekto ng P100 legislated wage hike dahil baka tumaas ang inflation o mapipilitang magbawas ng empleyado ang mga establisyemento.

Giit naman ni Senador Jinggoy Estrada, chairperson ng Senate committee on labor, dapat pangalagaan at unahin ang interes ng mga manggagawa.

”Ang mas mataas na minimum wage ay nakakaapekto hindi lamang sa mga manggagawa kundi maging sa ating mga komunidad. Pinapasigla rin nito ang lokal na ekonomiya at tinitiyak na ang ating mga kababayan ay magkakaroon ng pangtustos sa kanilang mga pangunahing pangangailangan,” ani Estrada.

”Alam nating hindi sapat ang P100 na itataas upang sumagana ang buhay ng ating mga manggagawa. But this is a need we must address and a step forward that we must now take,” ayon kay Senadora Grace Poe.

”Para naman doon sa mga nag-aatubili dahil nga maaapektuhan ang mga small businesses, naklaro din ni Senator Chiz Escudero na meron tayong mga exemptions dito, lalong-lalo na kung P3 million and below ang capitalization at kung less than ten employees ang isang business,” dagdag niya.

Wala pang naipapasang counterpart bill ang House of Representatives para sa dagdag sahod.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter