fbpx
Search
Close this search box.

Taylor Sheesh, ikinwento ang karanasan bilang bahagi ng LGBT community 

by Deanna Macaranas

IBINAHAGI ng Filipina drag artist na si Taylor Sheesh sa “Fast Talk With Boy Abunda” kung paano niya hinarap ang pangungutya bilang isang gay nitong Martes. 

Kanyang inilahad ang mga masasakit na salita na kaniyang natangap sa dahilanan na siya ay parte ng LGBT community.   

Sa kanilang paguusap ni Tito Boy, shinare ni Taylor Sheesh na tumatahimik na lamang siya sa tuwing siya’y nakakarining ng homophobic na salita mula sa kaniyang mga mahal sa buhay. Para sa kaniya, mas maigi na lang daw tumahimik sa dahilan na mahirap pa kung siya ay makikipagtalo sa kaniyang mga kamag-anak. 

“Mahirap ‘pag nakipagtalo ka…kasi, alam mo ‘yun, hindi nila maintindihan. So sa bandang dulo, ikaw ‘yung magmumukhang masama.” 

Ibinahagi din ng drag artist na mas gusto niya pa rin sa kaniyang chosen family dahil sila ang mga nakakaintindi sa kaniya.  

Maya’t maya ding tinanong ni Tito Boy kung ano-ano ang mga masasakit na salita na natanggap ni Taylor Sheesh habang siya ay lumalaki. 

‘Yung parang automatic…pag bakla, mahina, wala kang laban.” Maliban dito, dinagdag din niya ang salitang “salot” kaugnayan sa kaninyang identity. 

Inilahad din ni Taylor Sheesh na takot na takot siya noon dahil kaniya ding ininda pisikal na pananakit. Dahil dito, pinili na lang niyang manahimik ng ilang taon bilang kaniyang “defense” at “weapon.” 

Samantala, pagdating naman sa kaniyang mga bashers, sinabi ng drag artist na pinapatulan niya dati ito, ngunit dahil sa kaniyang pagkabusy–wala na siyang time. 

“Dati po mapagpatol ako. Pero ngayon, sa sobrang busy, wala na akong time. Kaya ‘yung pronouns ko, both blessed and successful. Parang ‘Ay, wala na akong time. Ayoko.”  

Masakit man ang naranasan ni Taylor Sheesh ngunit kaniyang sinabi na napatawad na daw iya ang mga nanakit sa kaniya. 

“Parang dati, puro ako galit and everything. Pero habang tumatagal, parang ‘Sige, patawarin na kita. Pero hindi ko makakalimutan ‘yung ginawa mo.” 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter