fbpx
Search
Close this search box.

Sarah Geronimo, first-ever Pinay recipient ng Global Force Award

by Joanna Deala

Another history has been made!

Kikilalanin ng Billboard Philippines si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa upcoming Women in Music Awards na gaganapin sa Los Angeles, California.

Sa X (dating Twitter), inanunsyo mismo ng Billboard na paparangalan nito ang “Tala” singer ng Global Force Award. 

Siya ang kauna-unahang Pilipinong tatanggap ng award mula pa noong ma-establish ang Billboard Women in Music noong 2007, kung saan kinikilala ang mga naging kontribusyon ng female artists sa music industry.

Bukod kay Sarah, recipient din sina Italian singer-songwriter Annalisa at Brazilian singer-songwriter Luísa Sonza ng Global Force Award.

Nagpasalamat naman ang 35-year-old Pinay singer at sinabing isang karangalan ang maging isa sa mga makatatanggap ng award.

“This recognition belongs to every dreamer and amazing Filipino artist we have. Mabuhay ang OPM! Mabuhay ang Pilipinas!” sabi niya.

Binati rin si Sarah ng kanyang fans at sinabing well-deserved niya ang award. Wish ng ilan sa kanila ay sana gawin niyang inspirasyon ito para gumawa ng mas marami pang kanta.

Nag-celebrate ang multi-awarded Popstar Royalty ng kanyang 20th year sa entertainment industry nang mag-concert siya noong May 2023 sa Smart Araneta Coliseum. 

Isa sa naging highlights ng musical event ay ang pagsayaw ni Sarah ng kanyang hit song “Tala,” na naging dance craze sa TikTok noong kasagsagan ng pandemya. 

Umabot sa ibang bansa ang popularity nito. Maging ilan sa K-pop idols, tulad ng grupong WINNER, ay hindi nakaligtas mula sa “Tala” dance challenge.

Noong nakaraang taon din nakipag-collaborate si Sarah sa members ng P-pop boy group SB19 para sa kantang “Ace Your World.”

Other awardees

Kabilang din sa mga makatatanggap ng awards mula sa annual Billboard Women in Music sina:

Woman of the Year: Karol G

Powerhouse: Charli XCX

Icon: Kylie Minogue

Visionary: Maren Morris

Group of the Year: NewJeans

Producer of the Year: PinkPantheress

Breakthrough: Tems

Rising Star: Victoria Monét

Impact Award: Young Miko

Ang fourth generation K-pop girl group NewJeans din ang first-ever K-pop act na pinangalanang Group of the Year ng Billboard. Ito’y unang nasungkit ng Fifth Harmony noong 2015.

Nakapag-uwi na rin ng awards ang ilan sa tanyag na female artists tulad nina Beyoncé, Lady Gaga, Madonna, Ariana Grande, Selena Gomez, at Taylor Swift.

Si Swift ang unang recipient ng Woman of the Decade Award noong 2019.

Ang American actress na si Tracee Ellis Ross ang magho-host ng 2024 Billboard Women in Music.

Gaganapin ito sa March 6, kasabay ng selebrasyon ng Women’s Month.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter