fbpx
Search
Close this search box.

Parating na La Niña, dapat paghandaan

by Bryan Gadingan

KAHIT matindi pa ang init ng panahon, nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na paghandaan na ng buong bansa ang La Niña.

Ang La Niña ay isang climate phenomenon kung saan mas malakas at maraming buhos ng ulan na maaaring mauwi sa pagbaha o landslide sa mga apektadong lugar. 

Nalulubog ang mga pananim, nasisira ang mga imprastraktura at naaapektuhan ang kabuhayan ng mga lugar matinding binabaha. 

Ayon sa PAGASA, dapat simulan ng mga Pilipino ang paghahanda sa matinding wet season, lalo na ang mga lugar na binabaha o nakararanas ng madalas na pag-ulan at bagyo.

“Ang dapat natin paghandaan, syempre, ‘yung ating mga flood-prone areas kung sakaling matuloy ang La Nina,” ibinahagi ni Analisa Solis, ang chief ng Climatology and Agrometeorology Division sa panayam nila ng GMA News.

Sa forecast ng PAGASA inaasahang mararamdaman na ang La Niña pagpatak ng mga buawan ng Hunyo at Agosto. At ang matinding pag-ulan ay maaaring tumagal hanggang matapos ang taon, at ilang buwan pa pagpasok ng susunod na taon.

Photo Courtesy: republicasia

Nag-aalala naman si Frank Nikol Marba, isang residente ng Dinagat Island dahil sa posibleng epekto ng paparating na La Niña sa kanilang food security.

“Yung pa kayang effect dito talaga sa amin is our food security kasi dito medyo nagmamahal talaga ang mga pagkain,” ibinahagi niya.

Apela ng Greenpeace

Panawagan naman ng Greenpeace, isang environmental global organization, kailangan ng mabilisang aksiyon mula sa mga otoridad habang maaga upang maibsan ang pinsalang dulot ng La Niña.

“We will be expecting wetter weather during La Niña stages. So ‘yun po yung kailangan paghandaan but at the same time kailangan mas urgent yung mga policies,” ipinaliwanag ni Greenpeace campaigner Jefferson Chua.

Isinusulong din ng Greenpeace na maipasa ang law on climate change tax o carbon tax, ang buwis na kukunin mula sa mga kumpanyang malakas ang gumamit o matlabas ng carbon.

Photo Courtesy: republicasia

“We all know carbon emissions are not just carbon emissions, they cost the society,” sabi ni Chua. “This is an extremely urgent matter because the cost of climate impacts i at a really rapid rate.”

Kung maisabatas man, gagamitin ang makokolektang buwis sa pagpondo sa rehab programs sa mga napinsala ng carbon emissions sa bansa.

Higit na makabubuti kung sisimulan na ng bawat Pilipino na maghanda ng first aid kit, ready-to-eat food, at baterya na maaaring magamit para sa mga flashlight at iba pang gamit.

Ayon pa sa mga eksperto, mabuti nang handa sa anumang oras lalo na kapag simula na ang malawakang pag-ulan na dala ng La Niña.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter