fbpx
Search
Close this search box.

Palawan, Boracay, kabilang sa ‘Best Islands’ ng Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2024

by Joanna Deala

PASOK ang Palawan at Boracay sa listahan ng Best Islands ng Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2024.

Sa website ng T+L, pangatlo ang Palawan habang pang-apat naman ang Boracay sa listahan.

Nangunguna sa “Best Islands” category ang Koh Samui sa Thailand, na sinundan ng Bali, Indonesia.

Nasa panglimang pwesto ang Phuket, Thailand, na sinundan ng Sri Lanka; Sumba, Indonesia; Penang, Malaysia; Koh Phi Phi Thailand; at Phu Quoc, Vietnam.

Samantala, kabilang din ang ilang pasyalan sa Pilipinas sa ibang region-wide categories. 

Nasa listahan ng “Best Integrated Resorts” category ang City of Dreams Manila na nasa ika-walong pwesto at Okada Manila na nasa pang sampung pwesto. Nangunguna naman dito ang Galaxy Macau.

Inilunsad ang Travel + Leisure Luxury Awards noong 2023 kung saan kinilala ang travel industry sa mga bansa sa Asia Pacific–mula sa kanilang beach resorts, spas, swimming pools at marami pang iba.

Nitong 2023, kabilang din ang Boracay at Palawan sa “Best Islands” list ng Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific. Nasa ikalawang pwesto ang Palawan, habang nasa panglimang pwesto naman noon ang Boracay.

Napasama rin ang Boracay sa listahan ng “25 Favorite Islands in the World of 2023” ng Travel + Leisure Readers, na may score na 92.94. Binansagan pa nga ng isang T+L reader ang isla na “best leisure vacation destination.”

About Boracay

Dinadayo ng maraming turista sa bansa ang Boracay dahil sa white sand at malinaw nitong tubig. 

Iba’t ibang water activities ang inaalok sa mga bisita tulad ng snorkeling, parasailing, island hopping, cliff diving, at kayaking.

Isa rin sa mga pinaka ine-enjoy sa isla ang nightlife, kung saan dinadagsa ang ilang bars at clubs para mag-party. 

Matatandaang isinara ang Boracay sa mga turista para isagawa ang environmental rehabilitation ng gobyerno upang mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng world-renowned island.

About Palawan

Isa ring paboritong puntahan sa Pilipinas ang Palawan dahil sa mga naggagandahang beach at malinis nitong tubig-dagat.

Ilan sa mga dinadayong lugar sa Palawan ang Secret Beach at Nacpan Beach sa El Nido, Puerto Princesa Underground River, at Twin Lagoon, Kayangan Lake at Siete Pecados Marine Park sa Coron.

Tulad sa Boracay, maraming aktibidad din ang inaalok sa mga turista tulad ng pagsakay sa paddle boat, kayaking, snorkeling, at cliff diving.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter