fbpx
Search
Close this search box.

Pagdami ng honor students, nakababahala nga ba?

by Bryan Gadingan

GRADUATION season na! Punumpuno na naman ang social media accounts ng posts ng mga kwento ng pagpupunyagi na ilang taong binuno para makapagtapos.

Isa sa pinakamahalagang yugto sa buhay ng tao ang pagtatapos sa pag-aaral. Ito’y hindi lamang simpleng seremonya, patunay ito ng pagsisikap, sakripisyo, at tagumpay. 

At sa graduation season binibigyang pugay ang mga estudyanteng nagsikap sa kanilang pag-aaral at nagtagumpay sa kabila ng mga pagsubok at balakid.

Ngunit, usap-usapan ngayon sa social media ang kataka-takang pagdami raw ng mga estudyanteng nagtapos bilang honor students. Ayon nga sa ilang netizens, tila napakabilis na maging honor student sa henerasyon ngayon.

Tanong ng isang X user (dating Twitter), “It’s graduation season. Pero bakit parang lahat ng mga bata may honor at awards?”.

“Sorry hindi naman sa hindi masaya para sa kanila, pero naalala ko lang ang hirap mag-honor dati at pag may honor ka parang nakakabilib talaga. Musta naman yun 2/3 ng class may honor? Tapos kulelat tayo sa PISA?”

Karamihan sa mga netizen pa nga nagsabing noong panahon nila, dadaan ka sa butas ng karayom, dalawa o tatlo lamang ang nakapapasok sa honor roll.

“Nung panahon ko, gapang at magsusunog ka ng kilay to pass. Iilan lang ang nagiging outstanding students. Kaya talagang honor to go up the stage with the parents para sabitan ka ng medal. Things are so much easier now in the guise of motivation & self esteem.”

Ngunit, ano nga ba ang pananaw ng Gen Zs? Bumababa na nga ba ang kalidad o sukatan sa pagbibigay ng parangal? O sadyang mabilis nang nakauungos ang mga bata, at naiiwan na ang curriculum?

Bakit nga ba tumaas ang bilang?

Nakapanayam ng republicasia ang ilang Gen Zs. Isa na nga rito si Ian Capati na nagtapos bilang Magna Cum Laude sa Far Eastern University. 

Para sa kanya, sang-ayon siyang dumarami nga ang nakatatanggap ng awards, pero iba ang tingin niyang rason kung bakit.

“I believe itong trend na ito can be attributed to the rise of technology. Technology has become a valuable tool for students, aiding them in their studies,” sabi niya, sa tingin niyang rason kung bakit.

Photo Courtesy: Ian Capati

“Wala na yong mga araw na kailangan pa ng mga estudyante na mahirapan maghanap ng mga sagot sa library. I believe technology played a significant role in my academic success, allowing me to streamline my daily learning habits.” 

Ngunit, napapaisip din siya kung nagagamit nga ba ng tama ang teknolohiya at masyadong napagagaan ang load ng bawat mag-aaral.

“However, I often ponder whether we truly learn from technology or simply exploit it for compliance. Sana hindi. Makikita naman ang success pag ikaw ay nasa workplace na.”

Sa kabilang banda, si Fernando Lao, isang magna cum laude ng Ateneo de Manila University, naniniwalang may dalawang posibleng rason kung bakit biglang taas ang bilang.

“The rising number of students graduating with honors can be viewed from two perspectives. On one hand, academic support in schools has significantly improved, particularly during the pandemic,” sabi ni Lao.

Photo Courtesy: Fernando Lao

“In my experience, our organizations enhanced our academic journey by introducing tutorial services, sharing resources and reading materials, and fostering a strong sense of solidarity. This increased support helped many students excel.”

“On the other hand, there may have been more lenient grading during the pandemic. Teachers, focusing on students’ mental health, understood the difficulties of studying in isolation,” dagdag pa niya.

Nakasasabay na ang Gen Zs

Tingin ni Nika Teng, isa pang magna cum laude ng Ateneo de Manila University, nakasasabay na ang mga kabataan ngayon sa kurikulum ng kanilang mga pamantasan o paaralan.

“The increasing number of graduates seem to indicate the ability of students to keep up with the curriculum. This is mainly driven by the accessibility of more resources that can better support their education and allow them to grasp topics much easier,” sabi ng 22-year-old.

“With regards to the standards for naming Latin Honor graduates, while quantitative and numerical scores and grades are important for Latin honors, other facets such as extracurricular experiences could also be considered.”

Photo Courtesy: Nika Teng

“This is to ensure a well-rounded and holistic assessment of a student’s development and social, emotional, creative, and interpersonal intelligence.”

Ikinakatakot naman ni Capati na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng bilang ang motibasyon ng bawat mag-aaral na makapasok sa honor student list, na hindi na gaanong magpursige dahil madali lang makapasok sa honors list.

“I believe the rise of grade inflation could diminish students’ motivation to excel academically, as high grades and honors become less distinctive,” sabi ng 23-year-old Gen Z.

“Schools should view this as a challenge to reassess their criteria for awarding honors, ensuring these awards retain their significance and dignity.”

“Rather than solely relying on fixed cutoffs for GPAs, schools should evaluate students based on their relative performance and effort. It’s essential to maintain the integrity of these honors and ensure they are genuinely reflective rin sa excellence ng isang mag-aaral.”

Maraming bagay ang dapat tingnan sa isyung ito. Maaaring naging maluwag na ang mga propesor ngayon, o maaaring nakasasabay naman talaga ang mga estudyante sa kurikulum.

Isa rin itong pagkakataon upang silipin ng mga paaralan ang kanilang sistema at curriculum kung akma pa rin sa pangangailangan ng mga estudyante. 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter