fbpx
Search
Close this search box.

Pagsabak ni Gabbi Garcia sa beauty pageants, aprub sa netizens

by Joanna Deala

SUPPORTIVE ang ilang fans ni Kapuso actress Gabbi Garcia kung sakaling tahakin niya ang landas ng isang beauty queen.

Sa Instagram, ibinahagi ni Gabbi ang isang nakatutuwang edited video kung saan makikitang suot niya ang iba’t ibang gowns habang rumarampa na parang isang beauty queen. 

Kabilang dito ang isang high-slit red gown, emerald green gown, at modern Filipiniana gown at kontodo korona.

Inedit sa Instagram reel ni Gabbi ang viral reaction clip ni fashion designer Martin Bautista at ang kanyang mga kaibigan noong tinawag si Miss Universe 2010 fourth runner-up Venus Raj sa stage nang makabilang sa Top 15 ng Miss Universe 2010 pageant.

Inilagay ang viral clip para lumabas na pumapalakpak ang grupo kay Gabbi sa kanyang beauty pageant stint.

Sa dulo ng video, mababasa ang komento ni Gabbi, “Charot! Next time na ‘yan. Host lang ako.”

Isa si Gabbi sa mga host ng coronation night ng Miss Universe Philippines (MUPH) 2024 pageant na gaganapin ngayong araw, May 22, sa SM Mall of Asia Arena ng alas-8 8 ng Gabi.

Pabiro man ang video na ibinahagi ni Gabbi, may ilang netizens ang nakapansin na beauty queen material ang aktres.

“Omg, did she just [say] next time[?] Mukhang may balak sumabak sa Miss Universe ang ating Sanggre Alena,” sabi ng isang netizen, na tumutukoy sa karakter ni Gabbi sa fantasy series na “Encantadia.”

“Te lumaban ka na! Nakakaloka ka!” pahayag pa ng isa.

“I’ll scream on top of my lungs kapag sumali ka,” dagdag pa ng isang online user.

Nag-comment din sa Instagram reel ni Gabbi si Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo at sinabing “maloloka” siya kung sakaling sumabak si Gabbi sa beauty competitions.

Nagpahayag din ng suporta ang kanyang MUPH co-host na si Tim Yap na nagsabing, “You are the UNIVERSE.”

‘Childhood dream’

Sa isang panayam noong 2020, ibinahagi ni Gabbi na childhood dream niya ang sumali sa mga beauty pageant.

Ayon sa kanya, kinailangan pa niya noong magpaalam sa kanyang mga magulang mapanood lang ng buo ang beauty pageants sa telebisyon kahit na may pasok siya sa eskwelahan kinabukasan.

“Kahit after ng Q&A [question and answer segment] matutulog na ako, yung ganong level,” ani Gabbi. “Dream ko sya, actually, but then nag-iba ‘yung universe ng direction para sa’kin eh.”

Sa edad na 15, sumabak na siya sa show business industry at nagkaroon na rin siya ng ilang endorsements. 

“For you to enter a pageant, dapat wala kang contract sa kahit ano. As in wala kang contract a brand, with a network or anything. And at this stage of my life, it’s so hard to give up,” sabi ni Gabbi.

Kamakailan naging usap-usapan online ang pagsali ni Gabbi sa MUPH 2024 pageant ngunit pinabulaanan ng Sparkle artist.

“Pero nakakatuwa and nakakakilig because they’re considering me but at the same time, hat’s a lot of things to process. Hindi naman ganon kadali sumali lang,” sabi ni Gabbi sa panayam sa kanya ng “24 Oras.”

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter