fbpx
Search
Close this search box.

Nag-counterflow na motorcycle rider, patay

by Kiko Cueto

NAG-VIRAL sa social media ang isang motorcycle rider na sumalpok sa isang AUV saka tumilapon.

Ang nangyaring insidente, nakuha sa CCTV Camera ng Skyway. Mapapanood iyan dito.

Sa kuha ng video, makikita na mula sa A.Bonifacio Avenue sa Balintawak, Quezon City, dumiretso at nag-counterflow ang biktima.

Wala namang kamalay-malay ang AUV driver nang biglang sumulpot ang motorista sa pakurbadang bahagi ng Skyway.

Sa lakas ng pagbangga, lumipad pa ang motorcycle rider mula sa kanyang sasakyan sa pagsalpok nito sa AUV.

Napagalaman naman na walang suot na helmet angdriver habang pinapatakbo ang motorsiklo sa Skyway.

Hindi rin otorisado ang ginamit nitong motorsiklo sa Skyway. Nasa 150CC ang minamaneho niya na dapat ay nasa 400CC.

Naisugod pa siya sa ospital pero idineklarang patay matapos ang 12 oras.

Dagdag ng mga awtoridad, nakainom ang driver na wala ring dalawang driver’s license.

Sugtan ang driver ng AUV na sa kabila ng insidente ay nahaharap sa reklamo sa QC Prosecutors Office.

Nagsumite naman ng affidavit of desistance ang pamilya ng namatay na motorcycle driver

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter