fbpx
Search
Close this search box.

Move It rider na binigyan ng libreng sakay ang PWD, trending ngayon

by Bryan Gadingan

SA mundong napakabilis ng takbo, kadalasan ay napag-iiwanan na ang ibang tao. 

Ang mga indibidwal ay nakatuon na lamang sa kani-kanilang mga buhay, at hindi na nabibigyang pansin ang kanilang paligid.

Ngunit, habang lahat tayo ay nag-aakalang pakonti na nang pakonti ang mga indibidwal na may mabubuting puso, ang katotoohanan ay marami paring indibidwal na handang maghatid ng tulong sa kapwa nila. 

Mga indibidwal na hindi nag-iintay ng kapalit sa bawat kilos na ginagawa para sa kapwa nila. Ang mga ganitong bagay ay nakakataba ng puso, at nagiging buhay na patunay na nagmamahalan parin ang bawat isa.

@itsmepau6572 Salute to plate number 994QEJ. Thank you for choosing to be kind in this cruel world 🥹❤️ UPDATE: Si kuya po ay isang intern student and the move it rider, hindi pa pala sa kanya yong motor nirerent pa niya per my conversation sa wife niya. I hope we can raise an amount to help them both🥹 #moveitdriver #spreadkindness ♬ sonido original – Darwin

Gaya na lamang ng Move It rider na ito na trending ngayon sa TikTok, matapos nitong mag-offer ng libreng sakay sa isang Person with Disabilities (PWD) na naglalakad sa gilid ng kalsada.

Ayon sa text ng video ni TikTok user @ItsmePau, “The driver saw kuya struggling and he offers to take him kong san man siya pupunta and seeing that smile ni kuya it’s free for sure. humanity still exist.” 

“Before I took the vid, dere-derechu siyang naglalakad then nag stop magpahinga jan sa spot and inapproach ng rider offering him a ride.”

Ang netizen na nagpost ng video na si Anne Paula Pagtolon-an ay kasa-kasama ang kanyang mga kaibigan kumain sa Rosario, Pasig nang makita nila ang nakakatabang puso na pangyayari.

Screenshot from: @ItsmePau | TikTok

“He serves as an inspiration to all of us that a little kindness over money is all we needed so someone will continue to believe how beautiful life is, despite of our situation and regardless if they are strangers,” dagdag niya. 

Bukod pa rito, ang naturang rider ay isang studyante pa lamang. Ang motor na ginagamit niya pangpasada ay nirerentahan lamang niya, ayon sa kanyang asawa na nakausap na rin ng nagpost ng video.

Sa caption ng video ni Paula, hiling niya na matulungan ang rider sa kanyang panggastos upang makabili o mabili ang motor na kanyang ginagamit, upang siya ay may regular ng pagkakakitaan.

Maraming netizens naman ang nais mag-abot ng tulong, isa na nga dito ang sikat na motivational speaker, financial consultant, at business coach na si Chinkee Tan, na nagtatanong kung paano ma-cocontact ang driver.

Ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa ay hindi na kailangang ipaalala pa. Ngunit sa tuwing tayo ay nakakakita ng ganitong video, hindi natin maiwasan na kunin ito bilang isang inspirasyon para mas pagbutihin ang ating sarili.

Gaya ng Move It rider na ito, sana’y marami pang makatulong sa mga PWD na hirap sa paglakad o iba pa. Nawa’y hindi sila mapabayaan na lamang sa kalsada, habang binabaybay ang magulong kalsada.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter