fbpx
Search
Close this search box.

Miss U hosting stint ni Alden Richards, trending!

by Joanna Deala

UMUSOK ang social media kagabi sa kasagsagan ng Miss Universe Philippines (MUPH) 2024 pageant habang hinihintay ang resulta na nakopo ni Chelsea Manalo ng Bulacan. 

Bukod kase sa pagrampa ng mga kandidata at tagisan ng performances, talk of the town at agaw-eksena ang hosting stint ni Kapuso actor Alden Richards sa coronation night ng national pageant.

Isa si Alden sa mga naging host nito, kasama sina Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel at American TV personality Jeannie Mai. Sa backstage updates at commentary naman nakatoka sina Gabbi Garcia at Tim Yap. 

Pinuna kase ng mga netizen ang tila pasigaw na pag-anunsiyo ni Alden ng mga lugar na kinakatawan ng mga kandidata sa Top 20 candidates. 

Isang netizen ang napatanong sa X (dating Twitter) ng, “Mhie [bakit] galit?” 

“Ba’t naman sumigaw ka AHAHAHHAHAHAHA,” comment pa ng isa.

Pabiro ring humirit ang isang netizen ng, “Alden niyo galit na galit gusto manaket.”

Nagkalat tuloy ang samu’t saring jokes at memes sa social media.

Mayroon ding nakatatawang reaksyon si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa tungkol dito.

May ilang netizens naman ang nagsabing epektibong pampagising ang mataas na energy na ibinigay ni Alden sa pagho-host ng pageant, gayong mahaba ang commercial breaks nito.

“Grabe naman energy yan beh. Tawang tawa pa rin ako. At least buhay na buhay kaluluwa ko habang nanunuod ng [MUPH],” sabi ng isang online user.

Fan defends Alden

Samantala, ilang fans naman ang nagtanggol kay Alden. May mga nagsabing sinadya ito ng aktor dahil binatikos na siya noon sa tila malamyang hosting noong MUPH 2023 coronation night.

Ayon sa kanila, “great job” ang pagho-host ng actor ng coronation night at sakto lang daw ang energy na ipinakita niya na nagbigay “hype” sa mga manonood.

Pinuri rin ng Sparkle GMA Artist Center ang aktor sa kanyang pag-host sa coronation night.

https://www.facebook.com/photo/?fbid=878336424337522&set=pb.100064835162566.-2207520000

Bukod kay Manalo, kinoronahan din sina Tarah Valencia (Baguio) bilang Miss Supranational Philippines 2025, Ma. Ahtisa Manalo (Quezon Province) bilang Miss Cosmo Philippines 2024, Alexie Mae Brooks (Iloilo) bilang Miss Eco International Philippines 2025 at Cyrille Payumo (Pampanga) bilang Miss Charm Philippines 2025.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter