MAHIGIT 900,000 na ang nagparehistro para makaboto sa May 2025 midterm elections, halos isang buwan matapos magsimula ang voter registration.
Nakapagtala ang Commission on Elections ng 910,918 na nagparehistro mula Pebrero 12 hanggang Marso 4.
Ang Calabarzon ang may pinakamaraming nagparehistro (165,702), na sinusundan ng National Capital Region (140,638) at Central Luzon (98,976.)
Umaasa ang Comelec na aabot sa tatlong milyon ang new voters sa pagtatapos ng registration sa Setyembre 30.
Ang voter registration ay isinasagawa sa mga Comelec offices at designated locations tulad ng mga mall at eskwelahan.