fbpx
Search
Close this search box.

Mga aktibistang dinukot: Akala namin katapusan na namin

by RepublicAsia

Ni Charlie Hera

CEBU CITY — Di na raw umasa na makakalabas pa sila nang buhay ang dalawang aktibistang dinukot sa Cebu City noong January 10.

So nakulbaan gyud me, na-scared gyud me sa amoang kinabuhi, nga sa amo’ng huna-huna pud namo, nga mao na gyud ni, diri na gyud ta kutob. (Kinabahan talaga kami, natakot talaga kami sa aming mga buhay, sa isip namin, ito na talaga, hanggang dito nalang talaga tayo),'” ani ni Dyan Gumanao.

Si Gumanao at kasingtahang si Armand Dayoha ay dinukot ng nagpakilalang mga pulis sa Pier 6, January 10, pasado alas diyes ng umaga. Nagviral ang video ng diumano’y pagdukot sa kanilang dalawa sa loob mismo ng pier.

Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap sila sa publiko matapos silang mapalaya noong nakaraang Lunes, January 16.

Kwento ni Dyan at Armand

Mga development workers at labor rights advocates sa Cebu sina Gumanao at Dayoha.

Sa press conference sa University of the Philippines-Cebu, isiniwalat ng dalawang aktibista ang  kanilang mapait na karanasan sa kamay  ng mga nandukot sa kanila. 

Kwento ng  dalawa, umaga ng  January 10 noong dumating sila sa pier 6  ng naturang  lungsod galing ng Cagayan de Oro. 

Noong pagbaba daw nila ng barko ay agad daw silang pinusasan nang nasa apat na kalalakihang nagpakilala sa kanilang Pulis.

“Dyan, Armand  wag kayong pumalag kasi mga  pulis kami,” ang sabi ng mga dumukot kina Gumanao at Dayoha. 

Mahigpit na yinakap ni Dyan Gumanao ang kanyang ina matapos ang press conference kahapon

Pumalag at nagsisigaw daw ang dalawa sa pagnanais na matulungan sila ng mga security forces na kanilang nakita sa lugar, pero, ni isa daw sa mga ito ay hindi tumulong  sa kanila.

Hanggang sa naipasok na sila sa loob ng van. Doon daw  sila nilagyang ng handcuffs at  blindfold. 

Nilagyan din daw sila ng earmuffs. 

Ayon sa mga nagpakilalang mga pulis na kidnapper, sapilitang kinuha raw sila dahil sila’y mga aktibista at wala raw ibang paraan para ma-imbitahan  sila.

Di raw nila akalain na mabubuhay pa sa tindi ng interrogation at psychological torture.

Sa gitna ng interrogation, binantaan din daw  sila ng mga nandukot – pwede daw silang matagpuan “6 feet below the ground,” maging  ang kanilang pamilya.

Tiningnan din daw ng mga  nang-abduct  ang cellphone ni Dyan,  wala daw itong password.

Gusto raw ng mga nagpakilalang pulis na mag-reply si Dyan sa mga magulang nito.

Pero hindi daw ito ginawa ni Dyan dahil nais niyang iparating sa  kanyang mga magulang na in-abduct talaga  sila.

Nagyakapan din sina Armand Dayoha at kanyang ina pagkatapos ng press con sa UP-Cebu kahapon

Noong papakawalan na daw sila ng mga nandukot ay una daw silang sinabihan na magpunta daw sila ng Police Station  para e-clear ang  blotter na “ ifinile” ng kanilang mga magulang at sabihin lang na nag-muni-muni at may sini-settle lang sila.

Hanggang sa sinabihan na lang daw sila nang mga dumukot  sa kanila na mag-selfie nalang  para malaman ng publiko  na walang masamang nangyari sa kanila.

“Grabe ang emotional, psychological nga kalisod nga maugmaan pa ba mi, unsa nasad kaha nga stories ang i-ingon para ma-legitimize ang amoang death. (Grabe ang emotional, psychological  na hirap kung may bukas pa ba kami, ano na namang kwento ang isasabi para ma-legitimize ang aming pagkamatay),” Gumanao recalled.

Bago raw sila tuluyang  pinakawalan, tingin nila, nilayo pa sila sa labas ng Cebu.

Sa isang resort sa Carmen, Cebu natagpuan ang dalawang magkasintahan.

Apila sa Cebu LGUs, national agencies

Nanawagan  ang dalawa sa lalawigan ng Cebu, lungsod ng Cebu at mga ahensya ng gobyerno na  bukod sa  tulungan sila makamit ang hustisya. Importante raw na malaman kung bakit nangyari ito. 

Dismayado din ang dalawa sa mga  taong  kumu-kwestyon  sa insidente. 

Ang Police Regional Office Central Visayas (PRO-7) nagpahayag ng pasasalamat na nakig-ugnayan ang dalawang magkasintahan sa kanila para sa naturang kaso. 

Nangako ang PRO-7 magiging  “patas, mabilis at magiging masusi” raw ang kaninalang magiging imbestigasyon  sa insidente.

UP-Cebu Student Council

Nagpahayag ng suporta ang UP-Cebu Student Council sa panawagan na hinilingin ang accountability sa gobyerno para sa maresolba ang pagdukot sa dalawang alumni nito.

“To fully ensure their safety, the council reiterates the pair’s demands for a thorough investigation considering potential police involvement in the abduction. Ultimately, this means that we will fervently back them up on their calls to hold the state accountable for their misdoings and incompetencies and take a stand against injustices,” ayon sa pahayag ng UP-Cebu Student Council.


photos by Charlie Hera

Related news:

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter