fbpx
Search
Close this search box.
marina summers hannah

Marina Summers, Hannah Conda, binuhay ang iconic ‘Release Me’ lip sync battle

by Joanna Deala

Recently updated on June 25, 2024 10:44 am

NAGING mas makulay ang buwan ng Hunyo para sa mga Pilipino dahil sa kabi-kabilang selebrasyon ng Pride Month.

Isa na rito ang “Out, Loud and Proud” Drag Pride Fiesta 2024 ng Beyond Limits Event Production nitong Sabado, June 15, sa Filinvest Concert grounds sa Alabang, Muntinlupa City, kung saan nagsama-sama ang ilang local at international drag queens, pati na rin ang ilang Filipino drag fans. 

‘Throwback Saturday’ ang event para sa mga dumalo nang masilayan nila ang “Filipina Winnah” na si Marina Summers at Australian drag performer na si Hannah Conda na nagsama muli sa isang stage.

Hiyawan ang sumalubong sa dalawa nang umakyat na sila ng stage at i-perform muli ang kanilang head-to-head fierce lip sync battle ng kantang “Release Me” ni Swedish singer Agnes.

Ilang dance steps din mula sa kanilang iconic lip sync battle ang ginawa nina Marina at Hannah sa stage, tulad ng tila pagsayaw nila ng Cha-Cha. Makikita ang Pinay drag queen na tinatanggal ang kanyang diamond bracelets at inihagis ito sa audience. Inihagis naman ni Hannah sa mga manonood ang kanyang hikaw.

“Honestly, it is an honor to be able to perform this number for you guys,” sabi ni Hannah matapos ang performance.

Dagdag niya, highlight ng kanyang “Drag Race UK” journey ang performance nila ni Marina.

Matatandaang parehong sumali sina Marina at Hannah sa second season ng international hit reality competition “RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World.” 

Nagharap sina Marina at Hannah sa ika-anim na episode ng hit television series para sa kanilang “Release Me” lip sync battle, kung saan nagpamalas ang dalawa ng emosyonal at all-out na performance. 

Makalaglag-panga ang lip sync battle ng dalawa, lalo na nang tanggalin ni Marina ang kanyang mesh gloves at nag-change outfit sa stage.

Sa huli, si Marina ang nagwagi at nagpauwi kay Choriza May mula sa kompetisyon.

Bigo man iuwi ang titulong “Queen of the Mothertucking World,” gumawa naman ng kasaysayan si Marina bilang kauna-unahang Filipina drag queen na sumali sa international all-stars series ng “RuPaul’s Drag Race UK” at nakapasok sa Top 4 ng kompetisyon.

Fans react

Marami drag fans ang natuwa sa pagsasama muli nina Marina at Hannah. Ayon sa kanila, “iconic” ang “Release Me” performance ng dalawa sa Philippine stage.

Samantala, “life changing” para sa isang social media user ang mapanood ng live ang “Release Me” performance nina Marina at Hannah.

Sa comment section ng TikTok post ng isang netizen, may ilang online users din ang nagsabing hanggang ngayon, “LSS [Last Song Syndrome]” pa rin sila sa “Release Me” nina Marina at Hannah.

Humirit naman ang iba na sana’y magka-tour ang dalawang drag queens.

Sa kanyang Instagram story nitong Linggo, pinasalamatan ni Hannah ang Filipino drag fans na dumalo sa event. 

“The Philippines has been absolutely sensational. Thank you for everyone [who] came along,” ani Hannah. “Nice to meet you all, it’s been so lovely. My heart is absolutely full.”

Follow republicasia on FacebookTwitter, and Instagram to get the latest.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter