fbpx
Search
Close this search box.

Manila Clock Tower Museum bukas na rin tuwing weekend

by Bryan Gadingan

DUE to insistent public demand, bukas na ang Manila Clock Tower Museum tuwing weekend, mula March 2, 2024.

Patok na patok ang mga museo ngayon sa mga Gen Z at sa iba pang henerasyon kaya’t dinagdagan ang operating hours ng Manila Clock Tower Museum.

“Narinig namin kayo! Due to public demand, we are now open every Saturday and Sunday starting March 2, 2024. You can now enjoy our museum during your rest [days],” ayon sa Facebook post ng museo.

Ito ang kauna-unahang clock tower museum sa bansa. Pero dahil sa pandemya, natagalan ang pagbubukas ng rehabilitated na clock tower.

Opisyal na binuksan sa publiko ang  Manila Clock Tower Museum noong 2022 simula 10AM hanggang 3PM, Martes hanggang Biyernes lamang.

Hiling ng ilang mga estudyante at empleyado na madagdagan ang operating hours dahil hindi kulang ang oras para sa mga bumibisita ang dating schedule ng museo.

Tulad ng dati, kailangang magpa-reserve at advanced booking sa nais bumisita rito.

Sa ngayon, hintayin na muna ang opisyal na anunsiyo ng museum administration bago tumungo sa Manila City Hall ngayong weekend.

Anong mayroon dito?

NAGING usap-usapan sa social media at dinarayo ang Manila Clock Tower Museum  dahil sa iconic nitong clock tower na nagpapakita nga 360-degree view ng Intramuros, Lawton, at iba pang bahagi ng Maynila. 

Photo Courtesy: Manila Clock Tower Museum | Facebook

NAGING tahanan din ang museum ng mga artwork nina Rene Robles, Sherwin Paul Gonzales, Nante Carandang, at Tawid Gallery, na nagpapakita ng kasaysayan ng kalakhang Maynila kaya patok din sa history-lovers.

Bukod sa usual na art gallery na nagpapakita ng mga lider at opisyal ng Maynila sa mga taong nagdaan, may video presentation at 3D wall na nagpapakita ng Battle of Manila.

Kamakailan lamang, pinarangalan ng Golden LEAF Presidential Awardee of the “Philippine LEAF Award Tertulia at Parangal 2024” ang Manila Clock Tower Museum.

Layon ng bagong operating hours na libreng maibahagi  ang edukasyon at mapalaganap ang makasaysayang sining at kultura.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter