fbpx
Search
Close this search box.

Magkano ang Eras Tour souvenir sa Singapore?

by Deanna Macaranas

PATOK na patok sa mga kabataan ang “Eras Tour” ng American artist na si Taylor Swift, at para sa kanyang ongoing Southeast Asian stop—maraming Pinoy Swifties ang tila “napasugod” sa Singapore para manood ng kanyang concert.  

Ang kasalukuyang “Eras Tour” ni Taylor Swift ay kasunod ng pang-sampung studio album niya na ‘Midnights.’ 

Kasama ang 44 na kanta sa isang set na nahahati sa 10 acts at ang bawat palabas ng ay tumatagal ng hanggang tatlo at kalahating oras.

Ang pagdalo sa concert ng pinakasikat na international artist ay maituturing na isa sa mga memorable experience sa buhay ng isang Pinoy Swiftie.

Kadalasan dito, ang pakuha ng litrato at pag-record ng video, bilang souvenir na pwede nating iuwi at balik-balikan. 

Samantala–iba pa din sa feeling kapag tayo ay nakakapaguwi ng exclusive souvenir na galing mismo sa event na ating pinagaling, ngunit kadalasan ang mga presyo ng exclusive merchandise ay tila hindi nakakaakit sa mga mata ng karamihan. 

Pero kung isa ka sa mga tao na go pa ding bumili ng exclusive merchandise, ang AEG presents ay naglabas ng presyo sa kanilang X (dating twitter) account para sa kanilang swiftie merchandise. 

Courtesy: twitter.com / @aegpresentsasia

Base sa post, kasama ang shirt, hoodie, crewneck sweatshirt, pullover, water bottle, tapestry, tote bag, at event poster sa exclusive swiftie merch. At ang presyo nito ay nagsisimula mula sa presyo ng S$35 hanggang S$109.  


Ito ang listahan ng mga items at ng kani-kanilang presyo: 

  • Black Tour Tee- S$60 (P2,508)
  • Event Tee- S$60 (P2,508)
  • Black Tour Hoodie- S$105 (P4,390)
  • Beige Tour Hoodie- S$105 (P4,390)
  • Mineral Wash Crew Neck- S$90 (P3,763)
  • Midnight Blue Long Sleeve- S$80 (P3,344)
  • Quarter Zip Pullover- S$90 (P3,763)
  • Bracelet- S$45 (P1,881)
  • Water bottle- S$35 (P1,463)
  • Tapestry- S$45 (P1,881)
  • Tote Bag- S$40 (P1,672)
  • Event Poster- S$45 (P1,881)

Ang AEG presents ay nag bigay din ng addtional details para sa pagbili ng merchandise. Isa na dito ang no overnight queuing at pagbabawal ng refunds/exchange of damaged or defective items. 

Ang pagbili din ng excluse swiftie merchandise sumusunod sa ‘first-come-first-serve’ basis. 

Courtesy: twitter.com / @aegpresentsasia

Pagdating naman sa pagbili ng exclusive swiftie merchandise, nagnote din sila na hindi sila tumatanggap ng cash bilang payment method. 

Courtesy: twitter.com / @aegpresentsasia 

Ang official merch ng artist ay matatagpuan sa Taylor Swift Eras Tour retail pop-up na makikita sa Marina Bay Sands Expo & Convention Centre. Ang pop-up store ay mananatiling bukas simula 11 am to 6 pm. 

Samantala, ang official merch ay maari ding mabili sa National Stadium habang nagpeperform ang artist.  

Sakalukuyang ginaganap ang “Eras Tour” concert ni Taylor Swift Singapore na nagsimula nung March 2 na magtatagal hanggang March 9.

At dahil sa Singapore ang pinakamalapit na bansa kung saan ginanap ng artist ang concert, maraming Filipino swifties ang bumili ng ticket para maranasan itong once-in-a-lifetime experience.  

Noong nakaraang buwan, isang airline ang nagdedicate ng ‘1989’ flight para sa mga papunta sa Singapore ‘Eras Tour’ ng artist. 

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter