fbpx
Search
Close this search box.

“Ma-ASO-nurin”, kinagiliwan ng netizen

by Bryan Gadingan

PATOK ngayon sa social media si Princess, na isang utos lang ng kanyang amo, gagawin agad!

G na G si Princess na isang aso mula Bacoor, Cavite anuman ang iutos ng kanyang amo. Sa video na in-upload ng kanyang furparent, inutusan si Princess na kunin ang kanyang higaan para malabhan.

Hindi nag-atubili si Princess at umakyat sa kanilang kuwarto para kunin ang kanyang sapin sa higaan, ibinaba at ibinigay sa kanyang fur parent.

At siyempre, ang reward ni Princess isang supot ng treats na kinuha rin niya at iniabot sa kanyang amo.

@bringmebabies Ambilis utusan! 🐶 #dogsoftiktok #smartdog #aspin #princessandchuchay #dog #foryou #foryoupage #doglover ♬ original sound – PrincessandChuchay

Kwento ng kanyang fur mom na si Faith, sinanay si Princess ng kanyang kapatid, na unang owner ng aso. At bilang pakunsuwelo sa bawat utos, binibigyan nila ito ng dog treats lalo kapag nakasunod si Princess.

Bumaha naman ang comments section ng mga nakatatawang comments, at marami nga rito ay ikinukumpara si Princess sa mga kapatid nilang tamad daw kapag inuutusan.

“@Maria Lyn♡: buti pa ung dog excited pag inuutusan ung mga kapatid kong mukhang mga dog galit pag uutusan,” sabi ng isang TikTok user.

Sabi naman ng isang netizen, buti  na lang at walang TikTok ang kanyang nanay, dahil kung hindi,  tiyak na siya ay makukumpara kay Princess. “@yuncha: buti wlang tiktok si mama baka makompara pa ako sa aso HAHAHAHHAHA.”

Hindi biro ang magsanay ng isang aso para maging masunurin dahil kailangan dito ng tiyaga, oras, at pagmamahal. Sa proseso ng pagtuturo, nabubuo ang isang matibay na koneksyon sa aso at tagapag-alaga. Kaya naman bilib din ang netizens sa furparent ni Princess.

Ayon sa mga eksperto, mabisang paraan ang positibong reinforcement o pagbibigay ng gantimpala sa tuwing makagagawa ng tama ang isang aso para maging masunurin.

@bringmebabies Nautusan kumuha ng charger 🐶 #smartdog #dogsoftiktok #doglover #aspin #foryoupage #foryou #fyp #CapCut ♬ Cute background music for kids(951274) – dama

Ang simpleng pagsunod sa utos na “sit,” “lie down,” “turn around,” o “stand” ay nagsisilbing patunay ng dedikasyon at atensyon ng aso sa bawat sasabihin ng kanilang mga amo.

Lalo pa kung makasunod sa mga kumplikadong utos, tulad ng pag-abot ng tsinelas o pagsundo sa isang miyembro ng pamilya ay nagpapamalas ngtalino at kakayahang makaintindi ng isang aso.

Nakakaaliw nga naman talagang makakita ng aso na kung kumilos parang tao na rin bukod pa sa mga tahol na tila musika sa tenga, pagwagwag ng buntot, mga matang nangungusap, na talaga namang nagbibigay ng walang katumbas na kasiyahan sa kanilang furparent.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter