fbpx
Search
Close this search box.

Lechon, adobo pasok sa TasteAtlas’ 50 Best Pork Dishes

by Bryan Gadingan

STAR ng hapag-kainan ng Pinoy ang lechon at adobo. Hindi nawawala sa mga handaan mapa-birthday at pista na classic comfort food ng pihikang panlasa ng mga Pinoy. 

Kaya naman hindi na nakapagtataka nang makapasok ang anim na Filipino dishes sa TasteAtlas’ 50 Best Pork Dishes in the World ngayong taon. 

Siyempre pa, una sa listahan lechon na nasa 29th spot na nakakuha ng 4.3 stars. Ang lechon ay inihaw na buong baboy at itinuturing na isa sa pinakapaboritong pagkain ng mga Pilipino na ayon na rin sa TasteAtlas, “one of the most popular dishes in the Philippines.” 

Photo Courtesy: TasteAtlas

Nakapasok sa 33rd spot na may 4.3 stars ang malutong na lechon kawali. Hindi rin ito mawawala sa mga handaan, partneran pa ng toyo na may sili at calamansi, mapaparami tuloy ang kanin.

Madaling ihanda at ihain at abot-kayang presyo. 

Sinundan naman ito ng Bicol Express sa 34th spot, na mayroon ding 4.3 stars. Ito ang putaheng maanghang ng mga Bicolano.

Hindi naman nalalayo ang inihaw na liempo sa 40th spot, ang paborito ng mga dayuhan na adobong baboy sa 42nd spot, at ang sentro ng pulutan sa bawat inuman na sisig sa 46th spot. 

Photo Courtesy: TasteAtlas

Nanguna naman sa listahan ng TasteAtlas ang Lechona ng Columbia, na halos kaparehas ng lechon sa ating bansa. Pumangalawa ang Pernil ng Puerto Rico.

Habang ang tatlong putahe naman mula sa Mexico na Gringas, Tacos Al Pastor, at Cochinita Pibil ang bumuo ng top five best pork dishes sa buong mundo.

Ang TasteAtlas ay kilalang online publication na kumikilala sa iba’t ibang masasarap na putahe sa buong mundo. Patuloy namang nakikilala ang masasarap na putahe sa ating bansa, dahil taon-taon may nakakapasok sa listahan nila.

Nitong Marso nga lang, pumasok sa Top 100 Southeast Asian street foods ang bibingka, kwek-kwek, taho, at iba pa.

Noong nakaraang taon naman pasok din ang sinigang sa Top 100 Best Dishes in the World ng TasteAtlas, at leche flan bilang pangatlo sa Best Custards in the World.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter