fbpx
Search
Close this search box.

Lalaki pumaloob sa compartment matapos ang malakas na turbulence

by Bryan Gadingan

ISANG nakakatakot na pangyayari ang naranasan ng lalaking pasahero, matapos itong tumilapon at pumasok sa luggage compartment ng eroplanong Air Europa matapos ang matinding turbulence.

Hindi pangkaraniwang aksidente ang naranasan ng mga pasaherong ito, base sa naging ulat ng GMA News. Ayon sa mga nakasakay, tumagilid daw ang eroplano’t bumulusok matapos ang ilang segundo.

Sa X (dating Twitter), pinost ng isang netizen na si @pichipastoso ang kuha sa loob ng eroplano matapos ang insidente. Makikitang sira sira na ang loob ng eroplano, dahil sa hagupit ng turbulence na dinaanan nila.

Bukod pa sa mga nasirang parte ng eroplano, nagtamo rin ng mga sugat, bali, at pasa sa katawan ang mga pasahero matapos ang nakakatakot na insidenteng ito.

Iniulat din ng mga awtoridad na nanggaling daw ang eroplano sa Madrid, na papunta sana sa Uruguay, bago mapilitang mag-emergency landing sa Brazil dala ng malalang turbulence na sumira sa eroplano.

Dinala naman din agad sa pinakamalapit na pagamutan ang mga pasaherong nakaranas ng dalos, at nagpadala rin ng kapalit na eroplano para sa nasabing flight ang airline.

“From one moment to the next, the plane destabilized and went into a dive. The people who didn’t have seat belts went up in the air and hit the ceiling, and they got hurt. Those who had seat belts on, not so much,” ibinahagi ng isang pasahero.

Bilang paalala lamang sa mga pasaherong Pinoy, nararapat na sundin ang mga regulasyon Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang makaiwas sa anumang insidente gaya nito. 

Gaya na lamang ng pagsuot ng seatbelt sa eroplano at pag-ayos ng mga kagamitan bago lumipad ay dapat ding tiyakin ng mga pasahero, at hindi lamang ng mga cabin crew.

Ang pagsuot ng seatbelt ay nagbibigay proteksyon sa mga pasahero sa oras ng aksidente tulad ng turbulence, emergency landing, o iba pang hindi inaasahang pangyayari.

Sa pagtitiyak sa pagsusuot ng seatbelt, ito ay sariling paraan ng kaligtasan para sa sarili mo. Ito ay isang simpleng hakbang upang mapanatili ang sarili mo sa ligtas na kalagayan habang nasa eroplano.

Sa kasalukuyan, wala pang pahayag na inilalabas ang Air Europa, tungkol sa nangyaring aksidente. Wala ring panibagong update kung kamusta na ang lagay ng mga pasaherong dinala sa ospital.

SUPPORT REPUBLICASIA
TikTok star Mathilda Airlines, the new queer voice for the people

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter