fbpx
Search
Close this search box.

KaraoKings: Alin ka sa mga ito?

by Bryan Gadingan

PAGDATING sa karaoke, hindi magpapatalo ang mga talentadong Pilipino sa biritan. Kadalasan nga, mauuna pang sumikat ang araw bago matapos ang kanilang sesyon sa karaoke. 

Ang karaoke ay isang popular na libangan sa Pilipinas kung saan ang mga tao ay kumakanta ng kanilang paboritong awitin gamit ang mga instrumental na soundtrack. 

Sa bawat sesyon ng karaoke, makikita mo ang iba’t ibang uri ng singer. Andyan ang tropa mong sawi na panay sad songs, ang tito mong lasing na hindi na maintindihan ang lyrics, at marami pang iba.

Kaya naman, gumawa kami ng listahan ng iba’t ibang uri ng mga KaraoKings na tanyag sa ating lahat. Narito ang listahan ng mga nakakatawang tipo ng singers sa sesyon ng karaoke:

Si Birit Kings and Queens

Si “Birit Kings and Queens” ang tropa mo na kumakanta na parang nasa concert hall, kasama ang matinding galaw ng kamay at mataas na mga tono. Tila ba’y ayaw magpatalo sa mga ibang kakanta.

Mayroon namang kahit hindi kasing-ganda ng boses ng mga orihinal na diva, ay sinisikap pa rin nilang gayahin ang mga ito nang husto o kahit mailapit manlang ang kanilang bersyon sa mga ito.

Si Frustrated Singer

Aba syempre, tuwing may kantahan, nandyan ang tropa natin na si “Frustrated Singer,” o mga naudlot ang pagiging singer. Sila rin ang mga overconfident sa pagkanta kahit pa paiba-iba na ang tono.

Mga lubos na naniniwala sa kanilang husay kahit na ang kanilang boses ay hindi gaanong kaakit-akit. Mga walang takot na singers na nagpapakita ng kanilang kahusayan, kahit sa realidad, ito’y hindi naman ganoon.

Si Sentimental Soundtrack

Si “Sentimental Soundtrack” ang tropa/kapamilya mong sawi na hindi maitigil ang pagkanta ng mga malulungkot na hit singles. Minsan nga, hindi naman talaga ito broken, gusto lang maglungkot-lungkutan.

O kung hindi naman, sila rin ang mga mahilig sa mga love songs at ballads na may matamis na pagsasalin. Kadalasan, sila ang nasa gilid ng bar na tila ba’y nagpapahayag ng kanilang damdamin sa pamamagitan ng pagkanta.

Si Duet Disasters

Andyan na sila, ang pares na tropa mo na tila ba’y ginawan ng napaka-pangit na version ang dating napakagandang kanta. Mga ballad songs na iconic dahil sa husay ng dalawang singers, ay tila ba’y mabubura sa isip mo dahil sa version nila.

Ang mga “duet disasters” ang dalawang tao na nag-aasahan na magtutugma ang kanilang mga boses ngunit hindi nagkakasundo. Ito ay madalas na nagdudulot ng nakakatawang sitwasyon lalo na kung sila’y kumakanta ng mga romantic na kanta.

Si Comedic Performer

Symepre, hindi rin magpapahuli si “Comedic Performer” sa listahan. Siya ang tropa mo na ginawang parody na lang ang kantang napili niya sa listahan ng napakaraming kanta sa song book.

Sila rin ang mga karaokings na ginagawang stand-up comedy ang kanilang karaoke performance. Kasama ang pagpapatawa, paminsan-minsan ay nakakalimutan na nilang kumanta ng tama.

Si Rap God

Mayroon ding mga “Rap Gods” sa listahan ng mga songerist sa mga sesyon ng karaoke. Eminem vibes, pero halos mabulol-bulol na para lamang mabigkas ang bawat salita sa lyrics.

Sila ang mga karaniwang nilalang na bigla na lang magiging rap superstar sa oras ng karaoke. Hindi rin mawawala ang pambobola at ang pagiging off-beat sa kanilang mga rap verses.

Sa kabuuan, ang karaoke ay isang pambansang pastime sa Pilipinas na nagdudulot ng kasiyahan at pagbibigay ng mga nakakatawang sandali na dadalhin natin hanggang sa pagtanda.

Ilan lamang ito sa napakaraming uri ng mga karaokings na mayroon tayo sa ating bansa. Sa bawat sesyon ng karaoke, tiyak na may makikita kang iba’t ibang uri ng singers na nagpapatawa at nagbibigay kulay sa gabi. Ikaw? Sino ka sa listahan ng singers na ito?

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter