fbpx
Search
Close this search box.

Kabosu, Shiba Inu sa viral ‘doge’ meme, namayapa na

by Joanna Deala

PUMANAW na ang asong si Kabosu, isang Shiba Inu na nasa sikat na “doge” meme, ayon sa kanyang among si Atsuko Sato.

Sa Instagram, kinumpirma ni Sato na pumanaw si Kabosu umaga ng Biyernes, May 24. Siya ay 18 taong gulang.

“She went very peacefully without suffering, as if falling asleep while feeling the warmth of my hands petting her,” sabi ni Sato sa kanyang post, kung saan nagbahagi siya ng litrato ni Kabosu na nakangiti habang nakasakay sa stroller.

Pinasalamatan niya rin ang mga sumuporta’t nagmahal sa kanyang alagang aso.

“I am certain that Kabosu was the happiest dog in the world,” ani Sato. “That makes me the happiest owner in the world.”

Sumikat si Kabosu nang mag-viral sa internet ang kanyang litrato na kinuha noong 2010, kung saan makikita ang hindi mawari niyang reaksyon habang nakahiga sa sofa at magkapatong ang dalawang paa.

Naging inspirasyon din siya sa “Dogecoin” cryptocurrency ni Tesla chief executive officer Elon Musk.

Dahil sa kanyang kasikatan, nagkaroon pa si Kabosu ng sarili niyang monumento sa Sakura Furusato Hiroba sa Japan. Naging inspirasyon din dito ang kanyang viral meme, pero may kasama siyang tatlong pusa.

“This monument will allow Kabosu to continue giving us a soothing time of peace and comfort, especially with the beautiful sunset, which this place is famous for,” pahayag ni Sato sa X (dating Twitter).

Noong December 28, 2022 ibinahagi ni Sato na na-diagnose ng acute cholangiohepatitis at chronic lymphoma leukemia si Kabosu. Dalawang araw ang nakalipas, ibinalita ni Sato na naging masaganang muli ang kanyang alagang aso.

Taong 2008 nang in-adopt ni Sato si Kabosu mula sa isang animal shelter. Bukod sa kay Kabosu, may tatlo pang alagang pusa si Sato na pinangalanan niyang Tsutsuji, Ginnan, at Onigiri.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter