fbpx
Search
Close this search box.

K-pop girl group UNIS, debut sa March 27

by Joanna Deala

A NEW girl group is set to steal the hearts of K-pop fans!

Ang UNIS—isang South Korean girl group na may tatlong Pilipinong miyembro—ay opisyal ng magde-debut sa Korean entertainment scene sa March 27, ayon sa label nitong F&F Entertainment.

Kinumpirma ito ng entertainment agency sa Korean media outlet Osen.

Ang bagong girl group ay binubuo ng walong miyembro: Elisia Parmisano, Gehlee Dangca, Jin Hyeon-ju, Bang Yunha, Lim Seowon, Oh Yoona, Nana, at Kotoko.

Mga Pinay sina Parmisano, 14, at Dangca, 16, habang si Jin, 22, naman ay isang Filipina-Korean.

Sa South Korea naman lumaki sina Bang, Lim, at Oh, habang galing Japan sina Nana at Kotoko.

Ayon sa Osen report, ang UNIS ang unang idol group na ni-launch ng F&F entertainment, ang co-production company ng reality competition show “Universe Ticket.”

How UNIS was formed

Nabuo ang UNIS sa talent competition show ng Korean broadcast network SBS na “Universe Ticket,” na sinalihan ng 82 aspiring idols na mula sa iba’t ibang bansa kabilang ang Australia, Canada, China, Indonesia, Japan, Malaysia, South Korea, Philippines, at Vietnam.

Inanunsyo ang official lineup ng UNIS sa final episode ng “Universe Ticket” nitong nakaraang buwan, matapos ang nerve-wracking performances kung saan ipinamalas ng mga contestant ang kanilang galing sa singing, dancing, at rap.

May five levels ang ranking sa talent competition: P, R, I, S, at M. 

Ang M-level ang pinakamababa, habang ang P-level naman ang pinakamataas at maggagarantiya ng debut spot.

Si Parmisano ang pinakaunang contestant na naka-secure ng slot sa UNIS.

Plans for UNIS

Magpo-promote ang eight-member girl group sa Korean entertainment industry sa loob ng dalawang taon at anim na buwan.

Ayon sa label, nakatakdang mag-participate ang UNIS sa “Running Man Philippines” ng GMA at sa “Girls Who Hit Goals” ng SBS.

Ang Pinoy version ng South Korean reality game show “Running Man” ay magkakaroon ng season 2. Kamakailan ay lumipad patungong Korea ang cast members ng “Running Man Philippines” para sa winter edition nito.

May official account ang UNIS sa X (dating Twitter) na nagbabahagi ng update sa mga miyembro nito.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter