fbpx
Search
Close this search box.

Jared Bahay, nanguna sa NBTC Top 24 high school basketball players

by Bryan Gadingan

NANGUNA na naman si Jared Bahay, ang top high-school basketball prospect ng bansa, sa listahan ng National Basketball Training Center’s (NBTC) Top 24 high school players sa dalawang magkasunod na taon.

Ang Sacred Heart School-Ateneo de Cebu standout, na pinangunahan ang kanyang team sa ikatlong sunod na CESAFI juniors title, ay nasa tuktok na naman ng rankings. 

Bukod sa siya ang unang top high-school player na magkasunod na taong nanguna sa listahan bago si Kai Sotto, si Bahay rin ang kauna-unahang non-UAAP at non-NCAA na nasa itaas ng NBTC 24.

Nang magsimula ang taon, inanunsyo ni Bahay na aalis na siya sa University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, kung saan una siyang nag-commit na maglaro pagdating ng kolehiyo.

Ngunit matapos ang ilang linggo, sinundan ito ng panibagong pahayag na babalik siya sa Ateneo Blue Eagles. “I have decided to continue my studies at Ateneo de Manila and play for the Ateneo men’s basketball team,” ayon kay Bahay.

Photo Courtesy: NBTC | Facebook

Naunahan ng 18-anyos na si Bahay sa listahan si UAAP Juniors Mythical team member na si Kieffer Alas ng De La Salle-Zobel at MVP candidate Amiel Acido ng University of Perpetual Help, na nasa No. 2 at 3.

Ang iba pang nakapasok sa top 10 ay sina Andrei Dungo ng UST, Tebol Garcia ng Adamson, Titing Manalili ng Letran, Vince Reyes ng Adamson, Ports Porter ng Ateneo, George Diamante ng Letran, at Veejay Pre ng FEU.

Ang mga sumunod naman ay sina Jhames Daep ng Perpetual, Jelomar Rota ng SHS-Ateneo, EJ Castillo ng Emilio Aguinaldo College, John Alejandro ng UE, at Lawrence Mangubat ng Mapua.

Kasama rin sina Macmac Alfanta ng NU-NS, Mark Gojo Cruz ng Perpetual, Ruvic Danag ng San Sebastian, Daryl Valdeavilla ng UPIS, at Wacky Ludovice ng UST.

Mayroon ding kasama na iba pang manlalaro na galing sa Davao na si Andre Lumanag, Yengskivel Sportswear CAMANAVA na si Jevy Hinoguin, Batang Tiaong-Quezon na si Renz Apor, at Khalifa-Cebu na si Peter John Pateros.

Para naman kay NBTC program director Eric Altamirano, ang NBTC ay nagsisilbing paraan upang higit pang lawakan ang karanasan ng iba pang manlalaro na nanggaling pa sa iba’t ibang probinsya at parte ng bansa.

“This is further proof that grassroots basketball is alive and well in the Philippines, and hopefully, as NBTC continues to grow and get stronger, we get more and more promising prospects all over the country,” sabi niya.

Gaganapin ang mga laro sa Marso 23 sa Mall of Asia (MoA) Arena, kabilang na ang pinaka-inaabangan na NBTC All-Star game, at ang finals ng mga koponan na makakapasok dito.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter