fbpx
Search
Close this search box.

Gilas Pilipinas umangat sa no.37 ng FIBA rankings

by Bryan Gadingan

UMAKYAT Gilas Pilipinas ng isang spot sa pinakabagong FIBA Men’s Basketball World Rankings matapos ang kanilang matagumpay na kampanya noong 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers noong Pebrero.

Noong nakaraang window, nakapag-uwi ang national team ng dalawang magkasunod na panalo kung tinambakan nila ang koponan ng Hong Kong, 94-64, at Chinese Taipei, 106-53.

Photo Courtesy: FIBA

Sa dalawang malaking panalong  ito, nahigitan na ng Gilas Filipinas ang Nigeria sa world rankings. Habang sa Asia naman, pangwalo ang Gilas.

Ilan sa mga nangunguna sa Asia ay ang Australia (5), New Zealand (21), Japan (26), Iran (27), Lebanon (28), China (29), at Jordan (32) mula pa sa nakaraang taon na ilabas na World Rankings ng World Cup.

Nangunguna pa rin ang USA sa kabuuang ranking, sunod ang Spain, ang FIBA World Cup champions na Germany, Serbia, at Australia bilang top 5.

Sinusundan ito ng Latvia, Canada, Argentina, France, at Lithuania para makumpleto ang top 10 ng rankings.

Gilas Pilipinas patungo sa Olympic Qualifiers

Sa Hulyo, muling sasabak ang Gilas Pilipinas sa laban para sa Olympic Qualifying Tournament. Magmimistula itong butas ng karayom dahil makakatapat nila ang World’s Top 6 na Latvia.

Unang laban ng Pilipinas  kontra Latvia, na host ng naturang group stage at sunod na makakatapat ang Georgia. Kapag naging matagumpay ang Gilas, maaari silang umakyat sa semifinals.

Makakapasok lamang ang Gilas sa semis kapag nasiguro nila ang top two spot sa kanilang group stage. Maaari nilang makalaban ang Brazil, Cameroon, o Montenegro sa semis para makuha ang kaisa-isang spot sa Olympics.

Noong laban ng Gilas kontra Chinese Taipei, pinasok muli ni head coach Tim Cone ang kanyang first group bago matapos ang laro, para sa kanya, ito ay isang paraan para masulit ang kanilang preparasyon.

Photo Courtesy: FIBA

“We weren’t trying to run up the score by bringing in the first group. It was an opportunity for us to get that first group to go out and play together,” sabi ni national coach.

“Every opportunity for us is going to be precious because we have limited opportunities. We have to do it that way. We are not like other teams,” idinagdag niya.

Matapos ang kanilang matagumpay na kampanya sa FIBA Asia, maghihintay na naman ang national team ng halos tatlo hanggang apat na buwan bago magsama-sama muli.

At para kay Cone, matagal na panahon na magkakahiwalay ang team sapagkat babalik na naman ang kanyang mga player sa kani-kanilang mga teams, lalo na ang mga imports ng Japan B.League na sina Sotto, Ramos, at Edu.

We were just talking in the locker room about how this kind of feels like an ending. We won’t play until another three or four months. And so it kind of feels like an ending for us. We wish we had one more game to play next week or in a couple of days but that’s not something we control,” sabi ni Cone.

Kahit mapapahinga muna, natutuwang ibinahagi ni Cone na gigil  ang kanyang players na sumabak muli. “But I don’t think there’s one guy in our team not looking forward to [July] and getting back together and getting this thing going again.”

Sa kasalukuyan, ito muna ang magiging hakbang ng Gilas Pilipinas. Aasa muna sila sa kani-kanilang indibidwal na preparasyon bago magsama-sama muli para sa laban kontra Latvia.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter