fbpx
Search
Close this search box.

Gilas Pilipinas tinambakan ang Chinese Taipei

by Bryan Gadingan

SINIGURO ng Gilas Pilipinas na magtatapos ang kanilang kampanya sa unang window ng FIBA Asia Cup Qualifiers 2025 na walang talo, matapos nilang tambakan ng 53 points ang Chinese Taipei, 106-53, noong Linggo. 

Mula sa pangakong binigay ni Gilas head coach Tim Cone, hindi binigo ng nationals ang mga Pilipino na nanonood sa PhilSports Arena, Pasig City, sapagkat siniguro nila ang kanilang ikalawang panalo.

Sa unang quarter, angat lamang ng dalawang puntos ang Gilas kontra Taipei bago binuhay ni Kai Sotto ang kanyang mga kakampi at nagtala ng 13-2 run at tinapos ang quarter na may 26-13 na lamang.

Hindi na naulit ng mga Taiwanese ang kanilang ipinakita kontra New Zealand, sapagkat hindi na sila nakadikit sa mga sumunod pang quarter ng laro.

“I really like the way we worked tonight. We just really worked hard on both sides of the floor and did that throughout the whole game,” ayon kay Cone.

“I think we have to remember that Chinese Taipei played a top-20 team just three days ago, and they played them all the way to the end.”

“We played the same team and these guys just worked their tails off and made them look bad and they’re not that bad. They’re a really talented team. Impressed with the way we continued to work and defend them and gave them a hard time,” idinagdag ni Cone.

Photo Courtesy: FIBA

Sa pagbabalik ni Justin Brownlee sa bansa, pinangunahan niya ang national team at nagtala ng 26 points, 13 rebounds, 5 assists, 2 blocks, and 1 steal. 

Ito ang kanyang unang laro sa loob ng bansa matapos ang halos 10 buwan. Tinulungan niya ang bansa na masungkit ang dalawang sunod na panalo para sa unang window ng FIBA Asia.

Sinundan naman ito ng isa na namang matatag na performance mula kay Sotto, nagdagdag ng 18 points, 10 rebounds, 5 assists, at 3 blocks.

Para kay Sotto, hindi basta-bastang team ang Chinese Taipei. Patunay lamang ito na patuloy ang pag-angat ng laro ng mga Pilipino, kaya naman nasungkit nila ang napakalaking panalo na ito.

“Chinese Taipei is not a bad team, but we just came out strong defensively. We played good team defense and then the offense just came in after. Just happy that everybody contributed offensively and defensively. I’m happy everybody enjoyed it,” ayon kay Sotto.

Sa kasalukuyan, ang Gilas Pilipinas ang may hawak ng top spot sa Group B standings, kahit pa pareho sila ng New Zealand na may 2-0 record. Ito ay dahil sa napakalaking +83 winning margin na kanilang naitala.

SUPPORT REPUBLICASIA
TikTok star Mathilda Airlines, the new queer voice for the people