fbpx
Search
Close this search box.

Gilas Pilipinas handa na kontra Hong Kong

by Bryan Gadingan

Recently updated on February 23, 2024 04:09 pm

NGAYONG gabi ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong bilang kanilang unang laban sa simula ng unang window ng FIBA Asia Cup 2025 qualifiers na gaganapin sa Tsuen Wan Stadium, Hong Kong.

Isang malaking tungkulin ang gaganapan ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone upang masungkit ng national team ang kanilang mithiin na makapasok sa Olympics. 

Alam ni Cone na mataas ang inaasahan ng bansa na resulta sa bawat laro na lalaruan ng national team. Ngunit para sakanya, ang unang window na ito ay magsisilbing tamang pundasyon muna para sa nationals.

“At the Inspire camp, everything was foundational. We’re not gonna take any shortcut, not gonna jump around, but build consistently forward,” ayon kay Cone, bago lumipad patungo sa Hong Kong nitong Martes.

“It’s important that we win, but it’s more important we build on foundation and the next one.”

Isa sa pinakamalaking minamata ng sikat na tactician ay ang makapasok sa Olympics. Maaaring sa Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Riga, Latvia na gaganapin ngayong Hulyo, o sa Los Angeles sa 2028.

Para sa Gilas, 11-man team ang ipinadala para sa unang laro nila. Ito ay binubuo ng mga beterano at mga mas nakababatang players para sa transisyon na kanilang binabalak sa darating na mga window.

Kabilang sa team ay sina World Cup members Japeth Aguilar, Scottie Thompson, at Jamie Malonzo. Katuwang din nila sina CJ Perez, Calvin Oftana, at Chris Newsome.

Ang kinabukasan ng Gilas na sina Kai Sotto, Carl Tamayo, Dwight Ramos at ang UAAP MVP na si Kevin Quiambao na halos katatapos lang lumaro para sa Strong Group Athletics na kung saan siya ang nagmistulang main man.

Habang isang pamilyar na mukha naman ang makakaharap ng national team kay Duncan Reid na naglaro para sa Bay Area Dragons noong 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup.

Si Reid ay matagal ng naglalaro para sa national team ng Hong Kong mula 2013. Siya ay nasilayang maglaro noong FIBA Asia Championship na ginanap sa Manila bilang host ang Pilipinas.

Gaya ng Gilas, dalawang pangunahing manlalaro rin ng Hong Kong ang hindi makakapaglaro. Sina Choi Kwan Tsai at Shiu Wah Leung na naging main scorer nila sa nakaraang FIBA Asia Cup 2025 pre-qualifiers.

Pagtapos ng larong ito, ang Gilas Pilipinas ay babalik sa bansa upang harapin ang Chinese Taipei sa Pebrero 25, 7:30 ng gabi sa PhilSports Arena.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter