fbpx
Search
Close this search box.

Gen Z: Mga dapat gawin para sa makabuluhang bakasyon

by Bryan Gadingan

BAKASYON na! 

Ito ang panahong pinakaaabangan ng lahat ng estudyante, pahinga mula sa isang taong pagsusunog ng kilay, puyatang pagre-review, pila sa masasakyan papasok at pauwi mula sa eskuwelahan.

Marami na nga ang excited sa bakasyon at panay na ang post ng kanilang summer destination. 

Photo Courtesy: Glaiza Chavez

Pinakahihintay din ng ng marami ang panahong ito dahil mapagtutuunan na nila ng pansin ang mga bagay na hindi maisingit o napabayaan sa dami ng schoolworks.

Pero para sa ilang graduating students, malaki ang pressure ang summer vacation ngayong taon, lalo na’t malapit na silang magsimulang maghanap ng trabaho.

Kaya naman, kinapanayam ng republicasia ang ilan sa mga interns nito, at ibinahagi nila ang kanilang huling school year at mga plano nilang gawin ngayong bakasyon.

Kumusta ang iyong naging taon

Sa panayam kasama ang republicasia ibinahagi ni Euxim Garcia, estudyante mula sa Far Eastern University (FEU), na graduating student na at tanging hinihintay na lamang ay ang pagmartsa sa graduation.

Pagbabalik tanaw ni Euxim hindi niya akalaing ganito ang magiging takbo ng school year niya. 

“This school year was full of hardships and surprises. On the first day of my fourth year, my final year in FEU, I thought it was going to be easier than the previous years, but I was wrong,” sabi ng 21-year-old student.

Photo Courtesy: Euxim Garcia

“This turned out to be the hardest year for me in college, filled with burnout and sleepless nights. We had to defend our thesis and make our final academic film, which also won in Sinepiyu.”

“However, these challenges only made my journey to graduation more meaningful. I am proud of myself for surviving this year and reaching this milestone despite the difficulties.”

Sa kabilang banda, ang 22-year-old na si Glaiza Chavez na intern mula sa Polytechnic University of the Philippines, inalala rin unang semestre niya sa kanilang pamantasan.

Photo Courtesy: Glaiza Chavez

Anya, naging challenging daw ang kanyang experience noong siya ay nagsisimula pa lang sa PUP. “Kung susumahin challenging siya dahil nga pandemic, online setup,” sabi ni Glaiza.

“Hindi ganon yung in-expect ko na magiging college life ko kasi as a first year student. Kinailangang mag-adjust noon kasi biglaan yung transition from traditional face-to-face, then online.”

“Tapos kahit na extrovert ka, talagang magiging introvert ka. Ang hirap mag-build ng connection, wala kang matanungan kasi nauuna yung takot at hiya. Talagang you’re on your own,” idinagdag niya.

Naging mahirap man ang una’t huling semestre nila, hindi maikakaila na nagbunga naman ang lahat ng ito. Bukod pa rito, may nagaabang din na bakasyon para sakanila, upang makabawi sa pahinga.

Anong plano mo ngayong bakasyon

Pagdating sa usaping bakasyon, alam natin na ang mga Gen Zs ang pinaka-excited sa lahat. Ngunit para kay Euxim, hindi lamang basta bakasyon ang kanyang papasukin ngayong taon, sapagkat magsisimula na rin siyang maghanap ng trabaho.

“I want to spend this time at our home in the province while waiting for graduation. I’ll also start searching for possible job opportunities because finding a job is an important part of entering adulthood.”

Photo Courtesy: Euxim Garcia

“So, I wouldn’t call it a vacation, but rather a break or the calm before the storm,” dagdag pa ni Garcia, noong siya ay tinanong kung ano ang magiging plano niya sa bakasyon.

Para naman kay Glaiza, marami siyang kailangan tapusin dahil late rin nagsimula ang kanilang school year sa PUP. Kaya naman, sasamantalahin niyang magpahinga ngayong bakasyon.

“Ilang buwan na lang matatapos na pero marami pang kailangan tapusin lalo na at graduating kami. May thesis, portfolio for internship, may seminar na kailangan naming asikasuhin,” ibinahagi ni Glaiza

Photo Courtesy: Glaiza Chavez

“Kaya ngayon, ang gusto kong bakasyon ay yung makakapagpahinga talaga ako. Simple lang talaga. Manuod ng movie, mag-order ng comfort food ko. More on alone time, self-date ganyan kasi yan yung matagal ko nang hindi nagagawa.”

“At dahil naka-dorm ako at madalas occupied ang weekends ko, gusto ko talagang makauwi sa bahay namin dahil sa lola ko pati na rin sa aso namin. Makapag-stay nang matagal kasama sila,” idinagdag niya.

Gawing makabuluhan ang bakasyon

Payo naman ni Glaiza sa kapwa niya Gen Zs, gawing makabuluhan ang kanilang bakasyon at sumubok ng mga bagay na hindi pa nila nagagawa sa kanilang buong buhay.

“Sa tingin ko, maraming way para i-spend yung vacation mo at gawing makabuluhan. Gaya ko, pwede mong balikan yung mga bagay na matagal mo nang hindi nagagawa kasi iba yung feeling once magawa mo ulit siya. Promise!” sabi ni Glaiza.

“At ‘wag kang matakot na mag-try ng something new. Make your vacation memorable by trying something new. Huwag kang matakot na mag-explore ng mga places na hindi mo pa napupuntahan.”

Photo Courtesy: Glaiza Chavez

“Isipin mo na ang vacation na ‘to ay reward and celebration na rin for surviving everything that you had for the last months kasi deserve mo ‘yan,” payo ni Glaiza sa mga Gen Zs.

Para naman kay Euxim, “As much as possible, enjoy your vacations to the fullest because you won’t have as much time off once you start working.”

“While you’re still a student, make the most of your vacation time because it’s your chance to breathe, relax, and rethink what you want for your future.”

“For me, this is important if you’re a graduating student deciding what you want your future to be. Taking vacations is crucial for clear thinking and is important for your mental health and physical well-being,” payo niya.

Kahit graduating na sina Glaiza at Euxim maaaring maging gabay ng bawat estudyante kung paano gagawing makabuluhan ang kanilang bakasyon upang magkaroon ng positibong epekto sa pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan at makapaghanda sa mas produktibong pag-aaral sa hinaharap.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter