fbpx
Search
Close this search box.

Fur parents ng Huskies na pinakain ng chocolate cake, dumipensa

by Bryan Gadingan

BUMABAHA sa internet ng mga post ng fur parents, upang i-flex ang kanilang mga alagang hayop, mapa-aso at pusa. Dahil pamilya na ang turing sa mga furbaby, kadalasang ipinagdiriwang din ang kanilang birthday na kontodo handa at regalo pa.

Nag-viral ang video post ng isang fur parent na nag-celebrate ng anibersaryo ng ikatlong taong pagsasama nila ng kanilang mga alagang aso. “Happy 3rd Barkday Kelly, Whiskey, Stacey, Zoey, and Brylle,” sabi sa caption.

Photo Courtesy: Emierry Castelo Clave | Facebook

Pero, imbes na makyutan, halos magwala ang mga netizen sa galit nang makita ang video–pinakain ng chocolate cake ang mga aso! 

Sabi ng mga netizen, may alagang aso man o wala, marami ang nakakaalam na bawal na bawal bigyan ng tsokolate ang mga alagang hayop. May sangkap kasi ang tsokolate na maaaring maging lubhang mapanganib para sa mga alagang hayop, partikular na sa mga aso. 

Base sa pag-aaral ng Cornell University College of Veterinary Medicine, ang pangunahing sangkap sa tsokolate na nakakapinsala sa mga aso ang theobromine at caffeine na kabilang sa grupo ng methylxanthine, na hindi kayang i-metabolize ng katawan ng aso tulad sa tao. 

Sinasabing ang dark chocolate ang nagtataglay ng pinakamataas na theobromine, kaya pinakadelikado para sa mga aso.

Screenshot from: Emierry Castelo Clave | Facebook

Kaya naman umani ng batikos mula sa netizen ang post ng fur parent na si Emierry Castelo Clave. 

Kinuwestyon din ng mga netizen kung sapat ang kaalaman ng mga fur parent na ito gayong halos tatlong taon din nilang inaalagaan ang mga aso. Talo pa nga raw ng ibang netizen na walang mga alaga ang mga fur parent na ito.

“There’s this cake na made specially for dog kung talagang gustong pakainin ng cake hndi yung ganto. Yung alaga namin pinagbe-bake ko pa ng dog cake para lang makain nya pag nagse-celebrate sya ng bday kung di naman keri gumawa may nabibilan naman,” komento ng isang netizen.

Hindi na nakapagpigil ang ibang netizen, nakapagsalita na ng hindi maganda, dala ng inis sa post.

“I don’t use this word lightly (as an insult) pero grabe, ang tatanga ninyo. Huwag na kayo magalaga kung kahit yung pinaka known NO sa dogs hindi niyo man lang alam. There are absolutely no excuses for this. Ang bobobo.”

“Ate sa katangahan ninyo bilang na rin ang araw ninyo me thinks… tatlong taon na sa inyo mga dogs niyo wala man lang kayong nakitang warning signs sa vet clinics na bawal ang chocolate…? Elementary pa lang tinuturo na rin to MY GOD,” dagdag pa nito.

@emsclave Bobo talaga mga pinoy konting post ng fake news naniniwala agad#cake #husky #goldilocks #fypシ゚viral #foryo #foryoupage ♬ Funny – Gold-Tiger

Buwelta naman ng fur parent, nasa mabuting kalagayan naman ang kanilang Huskies. Nag-post pa nga ito ng isang TikTok video, kung saan makikitang buhay na buhay at nag-iingay pa ang aso.

Pero napansin naman ng netizen na isang aso lamang ang ipinakita niya. Kaya naman, nag-aalala pa rin ang netizens kaya’t kinukumusta nila ang kalagayan ng iba pa.

Payo na rin ng ilang fur parents, ugaliing alamin muna kung makasasama ang mga pagkaing ibinibigay natin sa mga alagang hayop. Magsilbing leksiyon daw sana ang viral post at tiyakin ang tamang pag-aalaga sa mga hayop.

SUPPORT REPUBLICASIA
TikTok star Mathilda Airlines, the new queer voice for the people

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter