fbpx
Search
Close this search box.

Epic June for K-Pop fans: K-Pop academy, concert, festival

by Joanna Deala

SAMU’T-SARING aktibidad ang handog ang ngayong buwan ng Hunyo para sa mga Pilipino.

Kabi-kabilang selebrasyon ngayong Pride Month para sa LGBTQIA+ community at sa paggunita ng Araw ng Kalayaan sa June 12. 

May handog din ang Korean Cultural Center in the Philippines (KCC PH) para sa fans ng K-pop at Korean dramas ngayong buwan.

Kung isa ka sa kanila, narito ang masasaya at makabuluhang aktibidad na inihanda ng KCC PH:

K-pop Academy application

Bubuksan ng KCC PH ang K-pop Academy para sa mga Pilipinong K-pop fans at aspiring idols na nais ibahagi ang kanilang talento sa pagsasayaw.

Hindi lang ito basta dance cover ng K-pop songs. Sa K-pop Academy, bibigyan ng pagkakataon ang mga participant na matuto mula sa mga professional dancer na magsisilbing mentors tulad nina Jihoon ng Auspicious dance crew, Ciel ng Ace Dance Studio, at ang P-pop girl group KAIA.

Ayon sa KCC PH, nakatrabaho na ni Jihoon ang iba’t ibang South Korean entertainment agencies tulad ng SM Entertainment na may hawak sa K-pop groups na EXO, Red Velvet, at NCT; PLEDIS Entertainment na nagha-handle sa K-pop boy group na SEVENTEEN; at FNC Entertainment na nagma-manage sa K-pop groups na SF9, P1Harmony at rock band na N.Flying. 

Naging dancer din siya sa concerts ng grupong TXT noong 2021 at “EXO Planet #4 — The Elyxion” tour ng EXO.

Kilala naman si Ciel bilang performance director ng K-pop girl group na Dreamcatcher at nag-train kay Seoyoung na dating miyembro ng girl group na Hello Venus.

Samantala, ang KAIA ay isang five-member P-pop girl group na binubuo nina Angela, Sophia, Charice, Charlotte, at Alex. Nitong Abril, ipinagdiwang ng grupo ang kanilang second anniversary sa pamamagitan ng pagdaos ng isang fan concert na “KAIAVERSITY.”

Binuksan ang aplikasyon para sa K-pop Academy noong June 3, na matatapos sa June 13, 12 noon. 

Pipiliin ang mga estudyante sa pamamagitan ng raffle at makatatanggap sila ng confirmation email bago o sa mismong June 15. Gaganapin ang onsite registration mula June 18 hanggang June 21.

Magsisimula ang mga klase sa K-pop Academy sa July 5 hanggang August 2, 2024.

Free K-drama OST concert

Kung fan ka naman ng South Korean series, may concert na handong ang KCC PH para sa’yo.

Sa ulat ng PhilSTAR Life, magdaraos ang organisasyon ng “OST Symphony: K-Drama in Concert” sa June 29 sa Metropolitan Theater sa Maynila, kung saan tutugtugin ang mga paboritong original soundtracks mula sa mga sikat na K-dramas.

Magtatanghal ang Philippine Philharmonic Orchestra sa musical event na libre para sa mga nais manood.

Nag-post na rin ang KCC PH patungkol dito at tinanong ang netizens kung anu-ano ang kanilang paboritong K-drama OSTs.

Wala pang guidelines para sa seat reservation.

2024 Korea Festival

Tutungo rin ang mga aktibidad ng KCC PH ngayong buwan sa Cebu upang idaos ang 2024 Korea Festival para ibahagi ang kultura ng South Korea sa mga Cebuanos.

Magsasama-sama rito ang mga talentado at experienced performers mula sa South Korea at Pilipinas para ibahagi ang kani-kanilang talento sa entablado.

Matutunghayan din sa festival ang K-pop cover dance contest, mini K-pop busking contest, K-beauty cover make up, K-traditional game, Hangeul experience, at Hanbok experience.

Magtatayo rin ng booths ang ilang organisasyon sa festival kung saan ma-e-explore pa lalo ng mga dadalo ang kultura ng South Korea.

Libre rin ang 2024 Korea Festival para sa mga nais dumalo na gaganapin mula June 15 hanggang June 16 sa SM Seaside City Cebu.

SUPPORT REPUBLICASIA
TikTok star Mathilda Airlines, the new queer voice for the people

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter