fbpx
Search
Close this search box.

“Dirty Ice Cream” dapat nga bang gamiting palayaw?

by Bryan Gadingan

SA BAWAT kalembang ng kuliling, mga kartilyang napakakulay, ngiti ang dala sa mga bata’t matatanda. Pagdating sa malalamig na deserts, walang paring tatalo sa napakamura at napakasarap na sorbetes. 

Ngunit kapag naaalala natin ang sikat na sorbetes, “dirty ice cream” ang agad na pumapasok sa isip natin bilang palayaw. Karamihan tuloy ay napapaisip kung dapat nga bang kainin ito.

Photo Courtesy: Six Angels Ice Cream | Facebook

Para sa mga ice cream entrepreneur na gaya ni Marion Canaway, hindi tama ang monicker na ito. Bukod sa hindi naman totoo ang sabi-sabi, maaaring makaapekto ito sa kanilang mga negosyo.

“Yung ating ice cream ay napakalinis naman talaga. Kasi tinitiyak natin ang kalinisan, kasi unang-una, ang kumakain po niyan ay mga anak ko, pamilya ko at publiko,” ibinahagi ni Canaway sa ABS-CBN News.

“At saka siyempre ayaw naman din natin gumawa ng hindi malinis kasi kapag nagkaroon ng problema sa labas, e tayo rin ang mamo-mroblema diyan, tayo rin ang sasagot, tayo rin ang masisira sa tao. Kaya dapat ang ating pagkain ay malinis talaga.”

Ang tamang timpla sa kaunlaran

Si Canaway ay isang 50-year-old owner ng ice cream shop na Six Angels sa Mandaluyong City. Ang kanyang storya ay hindi naging mabilis, bago makuha ang tamang timpla ng sarap sa buhay.

Bago simulan ang kanyang negosyo, siya ay isang “probinsyano” na nagmula sa probinsya ng Masbate, at saka naging OFW. At saka lamang naisip ni Canaway na simulan sa kanyang bakuran sa paggawa ng ice cream.

Photo Courtesy: Maria Tan

“Ang simula ko sa ice cream, simula sa probinsya. Siyempre dala ng kahirapan napadpad ako ng Maynila, tapos may nakilala akong nagtitinda ng ice cream. Nagtinda po ako ng ice cream, hanggang sa natutunan ko ang paraan ng paggawa, paano gawin itong ice cream.”

“Habang nag-aaral ako, inalam ko talaga itong paggawa ng ice cream kasi sabi ko may potensyal ako dito, balang araw sana magkaroon ako ng ganito.”

“Kaya nung nakapag-aral ako, nag-abroad ako, pagkagaling kong abroad, nagtayo ako ng maliit na ice-creaman. Hanggang sa umabot ng ganito,” ikwinento ni Canaway.

Si Canaway ay may anim na anak kung saan dito rin niya nakuha ang inspirasyon para sa naging pangalan ng kanyang business na “Six Angels.” 

Mabentang mabenta ngayong tag-init

Ayon sa 50-year-old owner ng business, ang kanyang ice cream business ay naging mabisang pamatid sa init na dala ng El Niño ngayong summer season.

Sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit 14 kartilya ng sorbetes si Canaway. Patuloy lamang ang paglago ng kanilang negosyo, lalo na sa napakainit na panahon ngayon.

“Sa sobrang init ng panahon ngayon, kapag kumain ka ng ice cream, kahit papaano, yung katawan mo mapapasukan ng malamig kaya nakakabawas talaga ng init sa panahon natin ngayon,” sabi ni Canaway.

Photo Courtesy: Maria Tan

Para naman sa mga nais sumubok ng ice cream business, isa lang ang payo ni Canaway, at ito ay maging sentro ng negosyo ang kasiyahan ng bawat tao, mula sa mga gumagawa hanggang sa mga bumibili.

“Sa ngayon, mataas ang kita ng negosyo kasi mainit talaga kaya kumikita kami, kumikita ang mga sorbetero ko. Lahat kami masaya.”

Hindi naman anya kinakalimutan ng kanyang business na panatilihing malinis ang kanilang mga ginagawa, kahit pa sabihin na mabenta na ito at hinahanap-hanap ng mga tao.

Kung iisipin, ang sorbetes ay hindi lamang sa mga Pinoy mabenta, ito rin ay isa mga sinusubukan ng mga dayuhan kapag sila ay nagbabaksyon sa ating bansa. Kaya naman mas makabubuti kung hindi na gamitin ang ganitong palayaw.

Ang tinaguriang “dirty ice cream” noon, ay kasalukuyang nagbibigay na ng pagkakakitaan sa napakaraming sorbetero. Hatid neto ay kasiyahan hindi lang sa mga makakakain, kundi pati sa mga sorbetero.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter