fbpx
Search
Close this search box.

Dating rumors nina Korean stars Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron, itinanggi

by Joanna Deala

PINABULAANAN ng management agency ni South Korean actor Kim Soo Hyun ang dating rumors sa pagitan niya at ng aktres na si Kim Sae Ron.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang litrato ng dalawa kung saan makikitang magkadikit ang kanilang pisngi. Ayon sa mga ulat, pinost ito ng aktres sa kanyang Instagram story na kaagad naman niyang binura.

Sa pahayag ng Gold Medalist na ibinahagi ng Korean entertainment news outlet na Soompi, sinabi nito na hindi romantically involved ang dalawa sa isa’t-isa. Paglilinaw ng agency, lumang litrato ito ng dalawa na kinuhaan pa noong nasa parehong management company pa sila.

“We are completely unable to understand the motivation behind Kim Sae Ron’s action [of posting the photo],” sabi nito.

Nagbanta rin ang ahensya ng legal action sa kung sinumang maninirang-puri sa aktor.

“Due to the photo in question, unnecessary misunderstandings and groundless speculation about our actor are currently running rampant,” pahayag nito.

Dagdag ng agency, “We ask that you refrain from writing rumors or groundless speculation regarding this matter.”

Handle ng Gold Medalist ang aktres mula 2020 hanggang 2022. Hindi na na-renew ang kontrata ni Sae Ron matapos niyang mahuling nagmaneho nang nakainom noong 2022.

K-dramas

Nakilala si Sae Ron sa kanyang pagganap sa South Korean dramas na “Hi! School – Love On,” “Secret Healer,” at “The Great Shaman Ga Doo-Shim.”

Samantala, nakilala naman si Soo Hyun sa kanyang mga karakter sa hit K-dramas tulad ng “Dream High,” “Moon Embracing the Sun,” “My Love from the Star,” “The Producers,” at “It’s Okay to Not Be Okay.” 

Nagkaroon ng Pinoy version ang “My Love from the Star” na pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. Magkakaroon din ng Pinoy remake ang “It’s Okay to Not Be Okay” na naipaulat na pagbibidahan nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino.

May ongoing K-drama na pinagbibidahan si Soo Hyun kasama ang South Korean actress na si Kim Ji-won, na pinamagatang “Queen of Tears.” Gumaganap si Soo Hyun bilang asawa ng chief executive officer ng isang department store.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter