fbpx
Search
Close this search box.

Dating MU president, nais kasuhan si Miss Universe owner Anne Jakrajutatip

by Gaby Agbulos

UMALMA si dating Miss Universe President Paula Shugart sa umano’y ibinabatong paratang sa kanya ni Miss Universe Owner Anne Jakrajutatip.

Sa isang pahayag sa kanyang Instagram account noong Pebrero 20, 2024, inilabas ni Shugart ang kanyang saloobin.

Ayon kay Shugart, simula nang magretiro siya noong Nobyembre 2023, nanahimik daw siya sa mga naging pagbabago. At patuloy siyang tumulong sa organisasyon sa abot ng kanyang makakaya gamit ang kanyang naging kasanayan.

Pero nang malaman niya ang mga negatibong komentong ipinagkakalat umano ni Jakrajutatip, ang may-ari ngayon ng Miss Universe, tulad ng umano’y pagiging corrupt upang masiguro ang placement ng mga kandidata sa Miss Universe.

“By suggesting that I am corrupt and took money “under the table” to secure placements in Miss Universe competitions, Jakrajutatip not only defames me, but she also discredits the women who have won the Miss Universe crown by implying their titles were bought and not earned by merit,” pahayag ni Shugart sa kanyang post.

“I cannot abide by such dangerous and reckless assertions, which degrade the Miss Universe brand its Titleholders.” 

Pinag-aaralan ngayon ni Shugart ang posibleng legal action laban kay Jakrajutatip.

Unang nag-tweet si Jakrajutatip sa X noong Pebrero 9  tungkol sa kahalagahan ng pagiging patas at transparent sa pagnenegosyo.

At kahit hindi umano direktang tinukoy si Shugart, nakalagay ditong: “A corporate culture that has allowed one woman to do her own thing for 25 years is very dangerous for her to be able to do whatever she wants…under the table, anywhere. …you can f*ck anyone…when the real owner comes, who is a transgender woman from a country that you consider to be developing. It’s hard for me to accept calling the new owner ‘boss.’”

Wala pang sagot si Jakrajutatip sa post ni Shugart.

Umani ang post ni Shugart ng suporta mula kina 2015 Miss Universe Pia Wurtzback at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee. 

Ilan pang lumahok sa Miss Universe ang nagpakita rin ng pagmamahal at pagsuporta kay Shugart.

Ang kasaysayan ng Miss U

Taong 1952, unang isinagawa ang patimpalak sa Long Beach, California ng Pacific Knitting Mills bilang marketing stunt para sa kanilang mga swimsuit. 

Unang umere sa telebisyon noong 1955 sa CBS. Mula 2003 hanggang 2014, NBC na ang humawak sa lahat ng broadcast ng Miss Universe.

At noong 2002, mula sa Miss Universe Inc. ginawa na itong Miss Universe Organization. 

Hunyo 2015, inilipat ang pagmamay-ari ng MUO sa WME/IMG mula kay Donald Trump.

Naging presidente ng MOU si Shugart buhat noong 1997. 

At matapos ang mahigit 20 taon, nagbitiw sa kanyang panunungkulan si Shugart noong Nobyembre 2023.

Itinuturing na pinakaprestihiyosong beaty pageant sa buong mundo, ang Miss Universe ay pagtitipon-tipon ng lahat ng mga babae mula sa iba’t ibang lahi, kultura at adbokasiya.

Ngayon, sinasabing sumasabay na rin sa agos ng nagbabagong panahon, ilan sa mga inklusibong patakaran ang pagpapahintulot na payagang lumahok ang mga transgender, ina, kasal man o hindi at mga may-asawa.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter