fbpx
Search
Close this search box.

Cedric Lee pasok na sa Munti

by Kiko Cueto

INILIPAT na sa Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City ang businessman na si Cedric Lee, matapos sumuko sa National Bureau of Investigation nang masentensyahan na guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro.

Biyernes ng alas-ocho ng gabi na dalhin ng NBI papuntang BuCor, nang maantala dahil sa pagtaas ng blood pressure ni Lee,

Mag-aalas-nueve ng gabi ng makarating sa BuCor si Lee.

Nanatili ito sa Reception and Diagnostic Center nang i-proseso ang dalang dokumento ng mga opisyal ng NBI.

Hindi na nagbigay ng pahayag pa Lee kaugnay sa kaso at saka nagsabi na gagamitin niya ang pagkakataon paracmagpapahinga sa loob ng kulungan. 

“Hindi na, pinagdaanan ko na ito eh… Pahinga muna, recharge,” sabi nito.

Ipinapaubaya na rin niya sa kanyag mga abogado sa mga susunod na hakbang na gagawin kaugnay ng kaso.

Dakong alas-10 ng gabi na ipapasok siya sa loob ng Reception and Diagnostic Center (RDC).

Mananatili muna ito sa isang quarantine cell. 

Sinabi naman ng BuCor na mananatili si Lee sa RDC kung saan sasailalim ito sa classification kung sa minimum, medium, o maximum facility ng BuCor tuluyang ikukulong.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter