fbpx
Search
Close this search box.

#BloomsDeserveBetter: Ilang BLOOMs, dismayado sa kalidad ng BINI merch

by Joanna Deala

“PARANG laruan lang na nailaw na may logo ng BINI.”

Isa ito sa mga pintas ng ilang BLOOMs, o fans ng P-pop girl group na BINI sa inilabas na exclusive merchandise ng kanilang idolo.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Huwebes, June 27, alas-6 pa lang ng umaga higit isandaang fans na ang pumila sa ELJ Building ng Kapamilya Network sa Quezon City para bumili ng limited edition merchandise ng BINI.

Iba’t ibang items ang mabibili ng fans–mula sa t-shirt (P1,699), friendship bracelet (P1,199), photocard holder (P799), photocard album (P999), iron-on patches (P899), holographic stickers (P199), paper bag (mula P50 hanggang P100), at BINI wand (P2,499).

Bago pa man ang National BINI Day noong June 11, inanunsyo na ni Star Magic head Laurenti Dyogi na maglalabas ang eight-member girl group–binubuo nina Jhoanna, Gwen, Stacey, Maloi, Aiah, Colet, Sheena, at Mikha–ng kanilang official merchandise.

Ipinasilip din nila ang ilan sa collectible items kabilang ang BINI wand. Nilinaw ni Dyogi na ang BINI wand ay hindi official lightstick na karaniwang ginagamit sa mga concert at iba pang group events.

‘Low quality’ BINI wand

Pero ilang fans ang dismayado sa kalidad ng sinasabing exclusive merchandise.

Nag-trending sa X (dating Twitter) and hashtag na “Blooms Deserve Better” matapos magpahayag ng saloobin ang ilang BLOOMs. Ayon sa kanila, hindi na nga makatarungan ang “overpriced” na merchandise pero “low quality” pa ang mga ito.

Photo courtesy: Screenshot from X

Para sa isang BLOOM, ang wand ay para lang “laruan” na may ilaw at logo ng BINI. Biro pa niya, kulang na lang daw ay tunog na naririnig sa mga laruang cellphone na pambata.

May ilang BLOOMs din ang nakapansin na nag-iba ang kulay at design ng BINI wand. Teal kasi ang kulay noong ipinasilip ito sa publiko noong June 2, pero naging asul na noong ibinenta na.

‘Manipis,’ ‘hindi pantay’ na photocards

Hindi rin nagustuhan ng ilang BLOOMs ang kalidad ng photocards ng walong BINI members. 

Libre ang isang random photocard kapag bumili ng BINI wand, pero may mga fans ang hindi natuwa dahil “manipis” at “hindi pantay” ang pagkakagupit sa mga photocard. 

Ipinakita pa nila sa X ang videos, pruweba kung gaano ito kanipis.

“Ampanget ng pagka cut ng photocards tapos manipis pa,” reklamo ng isang netizen.

Nakaka-”disappoint” anila na “poor quality merch” ang iniaalok sa fans.

May iba namang ikinumpara ang kalidad ng official at unofficial BINI merch, at sinabing mas maganda pa ang ibinebenta o ipinamimigay na photocards ng fans.

Giit ng ilang netizens, suportado nila ang proyektong ito ng P-pop girl group pero sana’y bigyan din sila ng de-kalidad na merchandise.

https://twitter.com/secretvault0722/status/1806258694121980051

Sa ngayon, wala pang sagot ang management ng BINI sa mga hinaing ng BLOOMs sa official BINI merchandise.

Pero inanunsyo nito ngayong Biyernes, June 28, na pwede na muling makabili ang fans, exclusive website member man o hindi, sa ABS-CBN store hanggang 5 p.m.

Magkakaroon din ng limited merch selling sa “BINIverse” concert sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City para sa concert ticket holders.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter