fbpx
Search
Close this search box.
philippine news

Bigger venue inihirit para sa ‘BINIverse’ concert

by Joanna Deala

SOLD OUT na ang tickets para sa first-ever solo concert ng P-pop girl group na BINI. Pero may hiling ang kanilang fans, o BLOOM, na hindi nakakuha ng ticket: bigger venue para sa “BINIverse.”

Inanunsyo ng Star Music na naubos na ang ticket para sa concert wala pang dalawang oras mula nang buksan ang ticket selling kahapon, April 2.

Sa ulat ng TV Patrol, Lunes pa lamang pumila na ang fans para bumili ng ticket sa concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City sa June 28.

Kaya maraming BLOOM ang humihirit sa organizer ng concert na ilipat ang event sa Araneta Coliseum. Nag-trend din sa X (dating Twitter) ang “#WeWantBINIverseInAraneta.”

“Hindi na po day 2. Bigger venue na po para sabay-sabay kaming makanuod ng unang concert ng aming WALOng BINIbini!” hiling ng isang netizen.

May netizen ding nagsabing deserve ng eight-member group na mag-perform sa harap ng libu-libong fans.

“All I know is that BINI deserves to perform in a place where they could really shine in front of thousands of blooms,” sabi ng netizen.

Ganito rin ang sentimyento ng isang fan na nag-post sa X, “I’m happy and proud na BINI is finally having a solo concert they have been dreaming of for a long time, but this con deserves a massive crowd of blooms, a louder energy and a big venue. PLEASE let them perform on the stage where they shine the best.”

Nag-share naman ang isang social media user ng video ng BINI na pine-perform ang kantang “Strings” at maririnig ang live audience na naghihiyawan.

“Ilipat nyo na sa Aranetaaaa!!!!! Gusto ko to marinig tapos lahat kaming BLOOMs sumisigaw,” sabi niya.

Taong 2023 nang mag-perform ang BINI sa Araneta Coliseum para sa Pinoy Pop Convention (PPOP CON), kasama ang ilan pang P-pop groups.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang BINI at Star Music sa hirit ng Filipino BLOOM.

Binubuo ang BINI nina Jhoanna, Maloi, Stacey, Colet, Gwen, Sheena, Mikha, at Aiah. Tinaguriang “Nation’s Girl Group” ang BINI na nag-debut sa local music scene noong 2021.

‘Show It All’ appearance

Bukod sa kanilang upcoming solo concert, imbitado rin ang BINI sa reality show sa China na “Show It All” kung saan magsasama-sama ang girl groups mula sa iba’t ibang bansa para sa isang “performance exchange.” 

Kasama ng BINI ang P-pop girl group na G22–na binubuo nina AJ, Alfea, at Jaz–para katawanin ang Pilipinas sa global stage.

Ang “Show It All” ay isang survival competition show ng entertainment company ni Lay Zhang, isang Chinese pop star at miyembro ng K-pop boy group na EXO. Dito maglalaban-laban ang trainees para maging miyembro ng bagong girl group.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter