fbpx
Search
Close this search box.

BIBEli ka rin kaya ng bibe?

by Bryan Gadingan

MAY bagong kinagigiliwan nanaman ang mga Pinoy Gen Zs!

Ito’y matapos mag-trending ang isang napaka-cute na hair clip na may bibeng gawa sa foam. Una itong sumikat sa Baguio City at ngayon ay patok na rin sa Metro Manila.

Photo Courtesy: Bryan Gadingan | republicasia

At nitong nagdaang mga araw, napansin mo ba na habang naglalakad ka sa loob ng mall, ang mga Kabataan o bang “young at heart” ay naglalakad na may “bibe” sa ulo?

Ang nasabing hair clip na nagmula pa sa China noong 2015. Nagsimula tong sumikat at mapansin nitong nagdaang Chinese New year.

Bukod sa bibe, mayroon rin itong ilan pang variation tulad ng mga bean sprouts at iba pang maliliit na halaman.

Sa kabila ng pagkakaiba sa edad, lahat ay nakiki-trend sa pagsusuot ng mga nasabing hair clip, mapa-bata man o matanda. Ngunit ano nga ba ang rason bakit kinagigiliwan ito ng mandla, lalo na ng mga Gen Z.

Bakit nga ba bentang benta ‘to sa mga Gen Z?

Ayon sa ilang Gen Z na nagtatrabaho sa republicasia, ang partikular na rason kung bakit patok na patok ang hair clip na ito ay dahil sa napaka-cute nitong itsura.

“I think patok siya mga young individuals because most of them, if not all, like cute things. And we find these duck hair clips cute, so I think that’s one of the reasons why Gen Zs are in to wearing these clips,” sabi ni Joanna.

Photo Courtesy: Bryan Gadingan | republicasia

Para naman kay Josh, ang pagsikat ng ganitong uri ng fashion trend ay dahil sa kagustuhan ng mga Gen Z na maiba at dahil sa napakamurang presyo nito.

“I think the reason bakit patok siya sa madla, lalo na sa amin na mga Gen Z, is because we want na magpaka-“edgy.” We think na fashion should be fun,” ipinaliwanag ng 23 taong gulang na si Josh.

Photo Courtesy: Bryan Gadingan | republicasia

“Pangalawa, affordable siya to all, kaya ang dating is parang ‘yung bibe as a fashion naging makamasa siya, in a way na pwede siyang ma-access accross all socio-economic classes,” idinagdag niya.

Tulad ng sinabj ni Joanna, tingin ni Josh na ang isa pang rason bakit ito ay mabenta sa masa ay dahil nga sa pagiging cute ng naturang pigura.

“Lastly is because of aesthetic, kasi ang cute niya tignan. Atsaka marami siyang variation, hindi lang siya bibe, which is super fun tignan.”

“Kapag hindi mo gusto ‘yung duck, pwede kang mamili ng other variations, so parang pwede kang gumawa ng sarili mong design,” anya ni Josh.

Hindi naman nagpahuli ang online shopping platform na Shopee at nagpost sila sa kanilang X (Dating Twitter) account habang nagtatanong kung ang lahat ba ay nakabili na ng bibe.

Pwede sa school

Pinayagan naman ng Department of Education noong Biyernes ang mga estudyante at guro sa pagsuot ng bibe hair clip sa kani-kanilang mga paaralan. Nabanggit din ni DepEd deputy spokesman Francis Bringas na siya rin ay mayroon nito.

“It’s just a fad. It’s a hair accessory, siguro it won’t hurt the class kung meron extra accessory saulo. I don’t think it will bothersome for many,” nabanggit niya sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

Para naman sa isang propesor mula sa Univeristy of the Philippines Diliman na si Dr. Jimmuel Naval, patunay ito sa kung paano sumusunod ang mga Pilipino sa mga sumisikat na fashion trend.

“Kung anong uso, gaya-gaya tayo, meron tayong bandwagon syndrome na tinatawag. Ayaw nating maiwan,” ayon sa dean ng UP College of Arts and Letters.

“Maraming kumikita rito, parang small scale ito, parang underground economy. Sana hindi mawala, sana hindi magsawa ‘yung mga tao. Bahagi na ‘yan ng buhay ng mga Pilipino. Atsaka hindi naman kamahalan,” kanyang idinagdag.

Sa pagsikat ng isa nanamang fashion trend, tunay ngang hindi nagpapahuli ang mga Pinoy sa pagsunod dito. Kaya naman ano pang hinihintay mo? I-add to cart mo na ang napakacute na bibe hair clip!

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter