fbpx
Search
Close this search box.

“Alam po namin ang ginagawa namin”: Sagot ng ama ng sanggol na kinarga ni JK

by Deanna Macaranas

KAMAKAILAN lang, nagviral ang singer-musician na si Juan Karlos Labajo nang pansamantalang tinigil ang kaniyang performance nang makita niya ang isang sanggol sa kaniyang lastest musical gig.  

Sa isang viral Facebook post ng user LifeOfEs, itinigil ni JK ang kaniyang performance para kausapin ang mga magulang ng umiiyak na sanggol. 

Sa video makikita na inihayag ni JK ang pagaalala sa sanggol dahil malakas tugtugan at explicit lyrics ng kaniyang kantang “Ere.” 

“Two months? Ba’t mo pinaparinig ng ‘Ere’ ‘yung bata. Two months pa lang, maaga, huwag. Wala bang earmuffs si bebe? Umiiyak na si baby, okay lang ba ‘yan? kawawa naman ‘yung bata.” Sabi ng singer. 

Nakita din sa video kung saan kinakarga ng singer ang sanggol habang kinakausap ang isang staff member para mabigyan ng earplug ang sanggol. 

Kalaunang pinaalala ni JK sa audience na, lalo na sa mga magulang na ang mga batang nasa ‘under the developmental age,’ ay mayroong sensitibong tenga. “Yung mga bata, especially one year below, super sensitive pa yung mga tenga nila. Maraming salamat sa suporta, but please alagaan niyo si baby.” 

Dahil sa pag-aaruga ng singer sa sanggol, pinuri ng maraming netizens ang singer dahil sa pagmamalasakit nito sa sanggol. 

Samantala, meron ding ibang netizens ang nagbatikos sa mga magulang ng sanggol sa dahilanan na umiyak ang sanggol dahil sa ingay ng performance. 

Kalaunang umapila naman ang mga magulang ng 7-months-old na sanggol kung saan nakiusap sila na huwag agad manghusga ng kapwa. 

Itinangi ng tatay ng sanggol na si Niel Patrick Tubino na ang pagiyak ni Baby Fiyana ay hindi dahil sa naingayan ito sa malakas na tugtugan sa gig ni JK. 

Kaniya din sinabi na natungo sila sa event dahil gusto nilang ipakarga ang kanilang anak kay JK dahil idol na idol ni Baby Fiyana ang singer. 

Sa isang video clip, makikita na binasa ni JK ang card board nila Niel na may nakasulat na: “Kahit isang karga lang mula sa pinakabata mong fan, Kuya JK.” 

Depensa din ng ama ni Baby Fiyana na hindi totoo na pinatahan niya ang bata dahil nakita niya itong umiiyak.  

“Siguro last two songs na ni JK, lumapit siya sa mga fans. So, ang ginawa ng misis ko para hinde masayang, lumapit na siya sa stage. One meter lang kayo. Ginawa ng paligid namin tumulong, doon na napansin ni JK. Binasa na niya yung board,” sabi ni Niel.

Dito isinigaw ni Niel, “Two months pa lang kasama ka na nito.” 

Kalaunang sinagot naman ito ni JK ng “Two months?” kung saan naging viral ang video na naging usap usapan ng mga netizens. 

Ayon kay Niel, okay lang naman daw if yung dahilan ng pagbabatikos ng netizens ay dahil sa concern niya sa bata. Nagsabi din sila na huwag silang mag-alala dahil alam naman nila ang ginagawa nila.  

Ipinaliwanag din ni Niel na kaya umiyak ang sanggol dahil ginising niya ito. “Umiyak anak ko kasi ginising ko. Kapag ginising mo maiinis. Doon pa siya umiyak ng konti, noong umimik ako.” 

Kaniya din ibinahagi na naghesitate si JK na hawakan ang sanggol dahil nakita nito na umiiyak ito. “Nag-hesitate si JK na hawakan si baby pero dahil nag-request kami…mabuting tao si JK, hindi binigo. Sabi ‘Umiiyak na, okay lang ba?’ Iyon ang ibig niyang sabihin. Bumaba si JK. Yumakap na kay baby.” 

Nilinaw din ng ama ni Baby Fiyana na siniguro nila ang safety ng bata bago pa man pumunta sa concert. “Dumating kami, three adults, one is a doctor, bukod kami ng nanay who is a nurse, tita niya and grandparents.” 

Dinagdag din niya na meron silang earplugs na dala kung meron man mangyari. 

“Kahit pakay namin is malapit siya kay…to her idol, sinabi namin sa oras na maging irritable, aalis kami mabilis pa sa fake news.” 

Sinabi din ni Niel na paborito talaga ni Fiyana ang singer at isa daw tinutugtog nila bilang pampatulog ang hit-song ng singer na “Ere.” 

“Alam namin may bad words pero alam natin hindi agad maintindihan,  ang makuha niya lang musika at tinig. Humihinahon siya. Pag bad trip siya, pag moody, baby pa eh, pag bad mood patutugtugin namin nagiging masaya siya. Ngumingiti pa siya,” pahayag ni Niel. 

Pagdating naman sa mga bashing ng netizens, sinabi ni Niel na hindi naman daw nila masyadong sineryoso ang natatanggap na batikos ng netizens sa nanyari. 

Kaniyang inihayan sa core memory na nayakap ni Baby Fiyana ang kaniyang idol at masaya silang umalis doon dahil nabigay nila yung sa kaniya. 

“Thankful ako sa concern nila pero sana maging concerned tayo sa ating mahal sa buhay muna bago sa iba. Sana huwag din tayo mag base sa one angle lang, huwag mag focus sa isa lang, life has a lot of angles, you can’t be sure if tama.”

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter