Generation

SB19, may bagong kanta sa Mayo!

MAGBABALIK-MUSIC scene ang P-pop powerhouse na SB19 sa susunod na buwan dahil nakatakda itong maglabas ng bagong kantang pinamagatang “Moonlight.”

Inanunsyo ito mismo ng quintet ngayong Lunes, April 22, at sinabing ilalabas nila ang “Moonlight” sa May 3, 2024. Collaboration song ito ng grupo kasama ang international DJs at producers na sina Ian Asher at Terry Zhong.

Nagbigay din ang SB19 ng 10-second snippet ng upbeat track na may lyrics na “Doin’ what we do in the moonlight.”

Ibinahagi na rin ni Zhong ang snippet ng kanta sa kanyang Instagram story. Nagcomment din siya sa Instagram post ng SB19 at sinabing, “Woohoo! Can’t wait to dance together in the moonlight.”

Photo courtesy: Screenshot from @terryzhongmusic’s Instagram story

“Moonlight” ang comeback song ng SB19 ngayong taon, matapos ilabas ang latest album nitong “PAGTATAG!” noong June 2023. 

Matatandaang nagkaroon ng mga spekulasyon tungkol sa ownership rights ang SB19 sa kanilang group name at logo matapos nitong umalis sa dati nitong label na ShowBT Philippines at itinayo ang sariling kompanyang 1Z Entertainment. Pansamantalang tinawag ang SB19 members na “Mahalima” ng kanilang fans, o kilala bilang A’TIN, nang tanggalin nila ang pangalang “SB19” sa kanilang Instagram handles.

Pero noong taong ding iyon nagkaroon ng “amicable agreement” sa pagitan ng 1Z Entertainment at ng ShowBT Philippines. Matapos nito, nagpakita sa unang pagkakataon sa publiko ang boy group sa Asia Artist Awards (AAA) na ginanap noong December 2023 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Noong buwan ding iyon nakipag-collaborate ang SB19 kay K-pop superstar Sandara Park para sa isang advertisement song ng isang electronics company.

Bago ang “Moonlight” announcement, nakatuon ang SB19 members sa kani-kanilang solo projects. Huling naglabas ng sariling kanta si Ken, o kilala rin bilang Felip, na pinamagatang “Fake Faces.”

#IanxSB19xTerry

Trending ngayon sa social media ang hashtag na “IanxSB19xTerry” matapos ianunsyo ng P-pop boy group ang kanilang bagong kanta. Maraming fans ang nagpahayag ng kanilang pagkasabik para sa comeback ng kanilang mga idolo sa P-pop industry.

Ilan sa kanila ang looking forward sa kung anong resulta ng kombinasyon ng P-pop at Electropop.

“So this is a P-POP x E-POP collab? Cooool!” saad ng isang netizen.

“It has classic or old school dance club beats that [are] fresh to SB19’s discography. Exciting,” sabi naman ng isang fan.

May isa ring online user ang naniniwalang magiging “epic” ang “Moonlight” gayong tatlong successful artists ang nag-team-up para rito.

Kasalukuyang naghahanda ang SB19 para sa upcoming concert nito sa Dubai sa April 24 bilang parte ng “PAGTATAG!” world tour. Nagsimula ang concert tour sa Pilipinas nitong June 2023, na magtatapos din sa Maynila sa May 18 at 19.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

Eala-Gauff Duo Knocked Out of Italian Open Doubles

A PROMISING combo of Filipina tennis sensation Alex Eala and Grand Slam champion Coco Gauff…

41 mins ago

10 Lessons from the book ‘Don’t Sweat Over Small Stuff for Teens’

IN my teenage years, I never really had the opportunity to buy books that I…

3 hours ago

Run Mo Na ‘Yan: What’s Got Everyone Running These Days

I DIDN'T start running because I wanted to. I started because someone asked me if…

5 hours ago

Timberwolves oust Warriors, Celtics down Knicks to stay alive

Los Angeles, United States: The Minnesota Timberwolves routed the Golden State Warriors to advance to…

5 hours ago

Dry Season Diaries: How Filipinos Are Coping with Record Heat

BAG in front, sprinting to catch a jeepney seat, horns blaring from all sides –…

5 hours ago

1st One to hold send-off party for 2025 ROUND Festival

A MONTH before they leave for Malaysia, members of the P-pop boy group 1st One…

6 hours ago