Photo courtesy: @SB19Official | republicasia
NATAPOS man nitong weekend ang world tour ng P-pop boy group na SB19, hindi naman dito nagtatapos ang sorpresa ng Mahalima para sa kanilang fans, o kilala bilang A’TIN.
Sinorpresa ng SB19—na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin—ang kanilang fans nang maglabas ito ng teaser para sa kanilang forthcoming documentary film tungkol sa kanilang “PAGTATAG!” journey.
Nagsimula ang world tour ng Mahalima noong June 24, 2023 sa Pilipinas, na umikot sa iba’t ibang lugar sa United States, Canada, Singapore, Thailand, Dubai, at Japan. Nagtapos ito nitong linggo, May 19, sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ibinahagi sa teaser ng documentary film ang ilang behind-the-scene clips ng SB19 para sa kanilang world tour, pati na rin ang kanilang panayam kung saan ibinahagi nila ang kani-kanilang naging karanasan sa year-long tour.
“Every time na nag-i-step ako sa stage, sobrang kabado ako,” pahayag ni Pablo, lider ng SB19, sa clip.
Ipinakita rin sa teaser ang pag-aalinlangan ng SB19 sa kanilang karera, na posible namang tumatalakay sa naging ownership issue nila sa dating nilang kompanya. Matatandaang sunod-sunod na nakansela at napagpaliban ang ilan nilang “PAGTATAG!” shows sa Asya habang nireresolba ito ng grupo.
Nitong December 2023 inanunsyo ng 1Z Entertainment, kompanya ng SB19, na nagkaroon na “amicable agreement” sa gitna ng SB19 at ng dati nilang label.
“Baka hindi talaga ‘to for me. Akala ko sabay-sabay kaming magkakasama, tapos biglang hindi pala,” saad ni Stell. “But we’re very happy na na-overcome namin ‘yon.”
Bago magtapos ang teaser, maririnig ang SB19 na kinakanta ang “LIHAM.”
Sa August 2024 nakatakdang ipalabas ang documentary film.
Samantala, naging emosyonal naman ang ilang A’TIN matapos ipalabas ang teaser ng documentary film.
“Grabe talaga yung ‘Liham’ sobrang satisfying na narinig ko na sya live. Always be my fave SB19 song. Yung iyak ko talaga lalo na nung naglabas sila ng trailer ng docu movie ata yon,” saad ng isang fan sa X (dating Twitter).
“Oh I just know I will cry over that SB19 docu film,” sabi ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, “Naiyak ako sobra sa docu film teaser kanina. Nakilala ko kayo sa era na to. This holds a very special place in my heart. Ready na umiyak sa August!”
“I was one of those who was really surprised about this documentary. It came out of nowhere talaga. I’m so excited to see this docu and hopefully, we can see this on Netflix too in the future,” suhestiyon naman ng isang A’TIN.
Nagpasalamat din ang SB19 sa kanilang fans na sumuporta sa kanilang “PAGTATAG!” world tour.
THERE is something raw and powerful about Holy Week when you are in the process…
IN Filipino households, respect for authority seems to be a cornerstone of family life. From…
Vatican City, Holy See: A still-convalescing Pope Francis said Thursday he was doing "as best…
Beijing, China: While China's leaders use their economic and political might to fight Donald Trump's…
ANTIPOLO City: The traditional Alay Lakad to the International Shrine of Our Lady of Peace…
AT this point, many Filipinos are either enjoying slow days in their hometowns or exploring…