Generation

Michelle Dee, pinarangalan dahil sa kanyang autism awareness advocacy

MULING kinilala si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee dahil sa kanyang adbokasiya na isulong ang kamalayan ng publiko tungkol sa autism.

Nitong Linggo, dumalo ang 28-year-old beauty queen sa Walk For Autism 2024 pre-walk show ng Autism Society Philippines kasama ang kanyang ina na si Miss International 1979 Melanie Marquez. 

Sa event ding iyon iginawad kay Dee ang Hans T. Sy Leadership award para sa kanyang autism awareness and inclusivity advocacy. Sa Instagram post niya nitong Lunes, pinasalamatan ni Dee ang Autism Society Philippines para sa pagkilala sa kanya at sa kanyang adbokasiya.

“Thank you @autismphilippines for not only for trusting me as your goodwill ambassador all of these years but for also awarding me with the Hans T. Sy Leadership award,” sinabi ng beauty queen.

“I’ve received a number of recognitions but this one is different because all of you are at the core of my success,” dagdag pa ni Dee.

Ikinatuwa rin ni Dee ang pagdalo niya sa naturang event, na pinuntahan din ng nasa 23,000 na tao.

“After everything we’ve been through all these years, we are back at the [SM Mall of Asia Arena] and stronger than ever! I can’t wait for the rest of the world to keep recognizing the talents that every individual on the spectrum brings to the table,” sabi niya.

Dagdag pa niya, “It was more than just a gathering— it was a showcase of strength in numbers connected by our shared vision of creating an #AutismOKPH.”

Matatandaang lumaban sa 72nd Miss Universe pageant si Dee dala ang kanyang adbokasiya para sa autism awareness at inclusivity. Naniniwala si Dee na ang autism acceptance, inclusivity, at empowerment ang tatlong bagay na makatutulong para makabuo ng isang mas ingklusibo at sustainable na mundo.

Dahil sa kanyang adbokasiya, naging isa sa Gold winners si Dee para sa “Voice for Change” category ng Miss Universe pageant.

Advocacy continues

Hindi man nasungkit ni Dee ang panglimang Miss Universe crown ng Pilipinas, nagtagumpay naman siya sa pagbalik sa bansa sa semis nang makapasok siya sa Top 10.

Dati niya nang sinabi na ipagpapatuloy niya ang pag-promote sa kantang adbokasiya kahit tapos na ang Miss Universe pageant.

“Life-long mission ko po is really to spread awareness towards autism inclusivity, acceptance, and empowerment. Alam niyo naman po I have two siblings on the autism spectrum but I champion for millions of individuals all across the world,” wika niya.

“Hindi po nagtatapos just because tapos [na] ang Miss Universe. Again, this is an advocacy that I did not choose but chose me and has given me a greater purpose,” dagdag niya.

Nakatakdang koronahan ni Dee ang susunod na Miss Universe Philippines sa May 22 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Kung sinuman ang magiging successor ni Dee ay siyang kakatawan sa Pilipinas sa 73rd Miss Universe competition na gaganapin sa Mexico.

Binuksan na rin ng Miss Universe Philippines (MUPH) organization ang online voting para sa weekly challenges ng MUPH 2024 pageant. Ang mga mananalong kandidata kada challenge ay makaka-secure ng spot sa finals night.

How useful was this post?

Joanna Deala

Recent Posts

Eala-Gauff Duo Knocked Out of Italian Open Doubles

A PROMISING combo of Filipina tennis sensation Alex Eala and Grand Slam champion Coco Gauff…

12 hours ago

10 Lessons from the book ‘Don’t Sweat Over Small Stuff for Teens’

IN my teenage years, I never really had the opportunity to buy books that I…

15 hours ago

Run Mo Na ‘Yan: What’s Got Everyone Running These Days

I DIDN'T start running because I wanted to. I started because someone asked me if…

16 hours ago

Timberwolves oust Warriors, Celtics down Knicks to stay alive

Los Angeles, United States: The Minnesota Timberwolves routed the Golden State Warriors to advance to…

17 hours ago

Dry Season Diaries: How Filipinos Are Coping with Record Heat

BAG in front, sprinting to catch a jeepney seat, horns blaring from all sides –…

17 hours ago

1st One to hold send-off party for 2025 ROUND Festival

A MONTH before they leave for Malaysia, members of the P-pop boy group 1st One…

18 hours ago